25.4 C
Manila
Monday, February 26, 2024

Chinese Horoscope Nobyembre 24, 2023

DAGA (RAT)

Masaya ang maghapong lilipas sa piling ng mahal sa buhay. Ang iyong araw ay mapupuno lang ng pakikipagkuwentuhan sa gitna ng simpleng salu-salo. Magaan ang bawat oras na lilipas at makakasama rin ang ilang kamag-anak.

Masuwerteng numero; 10,12,21,23

BAKA (OX)

Hindi magiging sapat ang effort na gagawin mo ngayong araw para matapos mo ang lahat ng gawaing nakaatang sa’yo sa trabaho. Hindi masamang humingi ng tulong kung kinakailangan, doon lamang sa iyong mapagkakatiwalaan.

Masuwerteng numero; 5,11,30,34

TIGRE (TIGER)

Mararamdaman mo ang panlalamig ng isang kaibigan sa araw na ito sa hindi mo alam na dahilan. Cool ang manahimik lang subalit kailangan mo rin malaman ang dahilan kung bakit halos ayaw ka niyang kausapin.

Masuwerteng numero; 4,15,36,39

KUNEHO (RABBIT)

May ilang pagbabago ang magaganap sa departamentong nakakasakop sa iyong puwesto. Huwag mahihiyang magtanong dahil sa pagbabagong ito ay tiyak na mangangapa ka at marami kang kailangang malaman.

Masuwerteng numero; 43,54,55,67

DRAGON (DRAGON)

Huwag pilitin ang ayaw. Ito ang dapat mong maging panuntunan sa buhay dahil sa oras na pilitin mo ang isang tao sa isang bagay na ayaw niya, sa huli ay ikaw ang masisisi. Ito mismo ang senaryong kakaharapin mo ngayon.

Masuwerteng numero; 25,38,51,67

AHAS (SNAKE)

Hindi mo magagawa ang plano mong pagbibiyahe ngayong araw dahil hahadlangan ka ng panahon. Hindi magiging maaraw tulad ng hinihiling mo, sa halip ay uulanin ka kaya naman ipagpapaliban mo na lang ang pag-alis.

Masuwerteng numero; 8,13,14,22

KABAYO (HORSE)

May isang mahalagang bagay kang matututunan mula sa isang kaibigan. Dapat mo itong pakatandaan lalo pa at may kinalaman ito sa perang pinaghihirapan mo bago makuha. Maging alerto sa intensyon ng mga tao sa’yo.

Masuwerteng numero; 15,26,46,50

TUPA (SHEEP)

Kahit mahal mo ang isang tao , hindi lahat ng kahilingan niya ay pagbibigyan mo. Tao ka lang din at hindi isang genie kaya naman matuto kang mangatuwiran at ilagay sa tama ang alam mo namang wala na sa ayos.

Masuwerteng numero; 45,54,60,68

UNGGOY (MONKEY)

Isang dati ng kakilala ang magpaparamdam sa’yo ngayon. Bagamat hindi ka naman manhid at mararamdaman mo ang labis niyang pagkagusto sa’yo ay mananatiling tikom ang iyong bibig at lulugar ka lamang sa dapat mong kalugaran.

Masuwerteng numero; 16,18,40,49

TANDANG (ROOSTER)

Malilito ka sa dapat mong maging desisyon. Para sa’yo ay sapat na ang lahat ng pasakit at sakripisyo na nagawa mo para sa iyong kapareha pero hindi mo rin naman gugustuhin na magkaroon ng broken family ang iyong mga anak.

Masuwerteng numero; 61,63,78,80

ASO (DOG)

Isang lihim ang matutuklasan mo na may kaugnayan sa iyong kaibigan at karelasyon. Hindi ka agad makakapag-isip ng tamang desisyon kaya kakailanganin mo ang tulong ng pamilya mong tunay na nagmamalasakit sa’yo.

Masuwerteng numero; 14,25,35,49

BABOY (PIG)

Magiging masigla ang araw na ito para sa’yo dahil sa pagdating ng mga kaibigan na sobrang na-miss mo. Kahit pa hindi magiging maganda ang pakiramdam ng iyong katawan ay mapapawi ito ng iyong kasabikan sa kanila.

Masuwerteng numero; 1,2,8,9

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.