28 C
Manila
Friday, July 12, 2024

Chinese Horoscope Nobyembre 22, 2023

DAGA (RAT)

Paiiralin mo ang kalambutan ng iyong puso kaya naman ang pagkakamaling magagawa niya ay hahayaan mo na lang. Wala kang plano na sirain ang magandang araw mo dahil lang sa magagawa niyang maliit na kasalanan.

Masuwerteng numero; 9,10,12,15

BAKA (OX)

Hindi magiging aprub sa’yo ang ipapakitang kagaspangan ng ugali ng isa sa iyong mga kamag-anak. Subalit sa halip na makipag-away ay pipiliin mong manahimik dahil ayaw mong mawala sa sarili mo ang respeto sa nakatatanda.

Masuwerteng numero; 5,8,9,10

TIGRE (TIGER)

Hindi mo sukat akalain subalit ang problemang akala mo ay tatagal pa ng ilang araw ay agad-agad ding magkakaroon ng solusyon. Pasasalamatan mo ang isang kaibigan na hindi mo inaasahang siyang makakatulong sa’yo.

Masuwerteng numero; 6,8,19,31

KUNEHO (RABBIT)

Mayroon kang nararamdaman sa katawan na hindi maganda at dapat mo na itong patingnan. Huwag mong ipagwalang bahala ang iyong kalusugan kahit sa tingin mo ay maliit na bagay lang ito. Ang lahat ng malaki ay nagsisimula sa maliit.

Masuwerteng numero; 7,11,13,26

DRAGON (DRAGON)

Magiging malamig sa’yo ngayon ang suwerte sa negosyo. Hindi ka naman mamalasin ng husto kundi mananatili lang sa posisyon ang lahat. Walang pagbabago na magaganap. Dapat ka nang umisip ng panibagong ideyang makakatulong sa’yo.

Masuwerteng numero; 9,10,11,29

AHAS (SNAKE)

Isang bagong kaibigan ang maghahatid sa’yo ng suwerte ngayong araw. Hindi mo pa siya gaanong kilala kaya hindi mo ibibigay ng buo ang iyong tiwala. Subalit bago matapos ang araw na ito ay mapapatunayan mo na tama siya.

Masuwerteng numero; 16,17,22,28

KABAYO (HORSE)

Ngayon mo matitiyak kung gaano ka ka-espesyal sa isang tao na akala mo ay balewala ka lang. Hindi mo inasahan ang effort na gagawin niya ngayon at hindi mo maitatanggi sa sarili mo ang magiging halaga nito sa’yo.

Masuwerteng numero; 4,16,20,22

TUPA (SHEEP)

Lagi ka namang humaharap sa mga pagsubok kaya naman ang maliliit na problemang bubulaga sa harapan mo ngayon ay mamaniin mo na lang. Kabisado mo na ang dapat mong gawin para ito ay maresolba.

Masuwerteng numero; 1,18,26,30

UNGGOY (MONKEY)

Magiging magaan ang inyong byahe patungo sa isang lugar na matagal mo nang nais balikan. Marami kang alaalang na-missed mo sa lugar na ito kaya naman magiging emosyonal ka sa muling pagbabalik mo rito.

Masuwerteng numero; 4,16,18,29

TANDANG (ROOSTER)

Hindi ka magsisisi sa pagpili sa isang tao na pagkakatiwalaan mo. Ang gawain niyang ipapamalas sa’yo ay higit pa sa inaasahan mo kaya naman labis mo itong magugustuhan kaya gugustuhin mo na makasama pa siyang muli sa iba pang mga proyekto.

Masuwerteng numero; 6,19,30,33

ASO (DOG)

Mabilis lang ang gagawin mong paghusga sa isang tao. Maganda naman ang paghusga mo sa kanya at magugulat ka dahil magiging sakto ang lahat ng hula mo sa kanyang pagkatao. Mapapanatag ang iyong kalooban dahil dito.

Masuwerteng numero; 2,12,21,22

BABOY (PIG)

Magiging aktibo ka ngayon sa gawaing may kinalaman sa inyong community. Matagal mo ng gustong maging bahagi nito subalit ngayon ka lamang mabibigyan ng pagkakataon at ito ay dahil sa isang kapitbahay na mag-aalok sa’yong sumali.

Masuwerteng numero; 4,20,23,46

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.