33.1 C
Manila
Wednesday, June 12, 2024

Chinese Horoscope Nobyembre 19, 2023

DAGA (RAT)

Hindi mo na kailangang magmadali sa isang proyekto dahil ngayong araw ay magkakaroon ka ng sapat na oras para ito ay ayusin at mas pagandahin pa. Ang dapat mo lang gawin ay tutukan ito at i-review ang detalye.

Masuwerteng numero; 11,17,21,24

BAKA (OX)

Gawing patas ang pagtingin sa mga kasamahan sa trabaho na mas mababa ang posisyon kaysa sa’yo. Ang hindi pantay na pagtrato sa kanila ay pagmumulan ng bulung bulungang maaaring mauwi sa isang hindi magandang impresyon.

Masuwerteng numero; 20,22,23,34

TIGRE (TIGER)

Masaya ang maghahapong lilipas kasama ang mga mahal sa buhay. Ang ganitong pagkakataon ay minsan na lamang darating sa inyong pamilya dahil sa kanya-kanya ninyong kaabalahan sa trabaho at iba pang bagay.

Masuwerteng numero; 4,12,23,29

KUNEHO (RABBIT)

Mag-ingat sa iyong mga kakainin ngayong araw dahil malaki ang posibilidad na ikaw ay makaranas ng food poisoning na bagamat hindi ganoon kalala ay makakaapekto pa rin sa’yo. Iwasan muna ang mga pagkaing nabibili sa mga naglalako.

Masuwerteng numero; 3,13,14,20

DRAGON (DRAGON)

Isang magandang payo ang matatanggap mo mula sa isang hindi malapit na kaibigan. Lubos mo itong ma-appreciate kaya naman magkakaroon ng puwang sa’yo ang kaibigan na ito simula ngayong araw. Magiging maayos ang inyong samahan.

Masuwerteng numero; 15,32,42,49

AHAS (SNAKE)

Wala kang dapat ipag-alala sa gagawing desisyon ng isang kapamilya na may kaugnayan sa inyong lupa. Hindi ka madedehado. Bagamat hindi maganda ang inyong relasyon ay magiging maayos naman ang kanyang pagpapasya.

Masuwerteng numero; 50,56,67,68

KABAYO (HORSE)

Isang kamag-anak ang magkakaroon ng pagtatampo sa’yo. Ito ay may kinalaman sa usaping pera. Huwag hayaan na mangibabaw sa’yo ang awa. Alam mo na dapat kung sino ang dapat mong tulungan at sino ang nagpapapansin lang.

Masuwerteng numero; 26,27,35,40

TUPA (SHEEP)

Magiging masaya at exciting ang pakikipagbonding sa mga kaibigan sa araw na ito. Marami sa kanila ang matagal mong hindi nakita at nakasama kaya naman kukulangin ang isang buong maghapon para sa inyong kuwentuhan.

Masuwerteng numero; 2,4,5,8

UNGGOY (MONKEY)

May mga bagay kang dapat isaalang-alang bago mo bitawan ang isang desisyon. Sa dami ng oportunidad na dumarating sa’yo ay nakakaligtaan mo na ang isang mahalagang tao na hindi dapat mawala sa iyong mga pagpapasya.

Masuwerteng numero; 14,19,33,44

TANDANG (ROOSTER)

Makakaranas ka ng matinding pagsakit ng ulo. Kahit pa ito ay lumipas hindi mo ito dapat balewalain kung ayaw mo na humantong sa isang hindi magandang sitwasyon. Ingatan ang kalusugan sa bawat oras na lilipas.

Masuwerteng numero; 63,68,76,79

ASO (DOG)

Ang pagkairita na nararamdaman mo sa isang tao ay mapapalitan ng labis na pagkagusto dahil sa kabutihang kanyang ipapakita. Mag-ingat lang sa estrangherong emosyon na mararamdaman dahil maaari ka nitong ipahamak.

Masuwerteng numero; 52,61,67,73

BABOY (PIG)

Isang challenge ang tatanggapin na mula sa iyo mismong karelasyon. Gagawin mo ang challenge na ito bilang kapalit ng isang mahalagang bagay para sa’yo. Huwag masyadong dibdibin anuman ang maging resulta.

Masuwerteng numero; 15,22,25,40

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.