27.3 C
Manila
Sunday, June 16, 2024

Chinese Horoscope Nobyembre 18, 2023

DAGA (RAT)

Wala kang maaasahan sa isang tao na akala mo ay maaari mong lapitan sa anumang oras na kailanganin mo ng tulong. Bagamat siya ay mabait na tao, wala siyang kakayahan na makatulong kung pinansiyal ang pag-uusapan.

Masuwerteng numero; 2,3,10,11

BAKA (OX)

Hindi mo inaasahan ang mga salitang maririnig mo sa isang kamag-anak. Bilang malapit na kamag-anak ay hindi mo aakalain na makakaya niyang magbitaw ng mga mabibigat na paratang laban sa’yo. Kailangan mong huminahon.

Masuwerteng numero; 4,12,20,25

TIGRE (TIGER)

Sa ayaw at sa gusto mo ay ikaw ang siyang mag-aadjust sa inyong relasyon. Kung hindi mo ito gagawin ay wala ng patutunguhan pa ang inyong pagsasama. Sa araw na ito ay magkakasubukan kayo ng haba ng pasensya.

Masuwerteng numero; 31,33,35,40

KUNEHO (RABBIT)

Isang kaibigan ang lalapit sa’yo para humingi ng tulong pinansiyal. Magdadalawang isip ka dahil alam mo na meron ka ring mga pagkakagastusan pero mananaig sa’yo ang pagiging kaibigan dahil alam mo na wala na siyang ibang malalapitan kundi ikaw.

Masuwerteng numero; 26,27,35,51

DRAGON (DRAGON)

Masyado kang mai-stress ngayon sa trabaho dahil sa dami ng nakaatang sa balikat mo. Wala ka namang choice kundi kayanin ang lahat dahil kung hindi mo ito gagawin ay posible kang mawalan ng trabaho at alam mong hindi pwedeng mangyari ‘yon.

Masuwerteng numero; 13,14,32,38

AHAS (SNAKE)

Kailangan mong bilis bilisan ang pagpapasya nang sa gayon ay hindi makawala ang oportunidad na nasa harapan mo ngayon. Kung pakikinggan mo ang opinyon ng lahat ay siguradong malilito ka lang at lalong mahihirapan.

Masuwerteng numero; 5,12,17,19

KABAYO (HORSE)

Mabibigla ka sa pagbibitaw ng pasya kaya hindi mo maiiwasan na mapasubo ka sa isang sitwasyon na hindi mo rin magugustuhan. Kakailanganin mo ang tulong ng ilang kaibigan upang makaalis sa sitwasyon na ito.

Masuwerteng numero; 4,11,20,24

TUPA (SHEEP)

Maaliwalas ang araw na naghihintay para sa’yo. Pwede mo nang isantabi ng pansamantala ang iyong mga alalahanin dahil ngayong araw ay magkakaroon ka ng pagkakataon na maging masaya kasama ang buong pamilya.

Masuwerteng numero; 43,56,64,70

UNGGOY (MONKEY)

Makakaramdam ka ng lungkot dahil sa napakaraming isipin na bumabagabag sa’yo. May mga bagay kang gustong gawin pero hindi mo pa magagawa dahil sa mga balakid. Marami ka pa ring kailangang ikonsidera.

Masuwerteng numero; 26,27,28,29

TANDANG (ROOSTER)

Kalmado ang araw na ito para sa’yo. Mananatili sa tabi mo ang iyong mahal upang ibigay ang buo niyang suporta sa lahat ng ginagawa mo kaya naman makakaramdam ka ng kapanatagan at kapayapaan ng loob.

Masuwerteng numero; 55,58,67,69

ASO (DOG)

Hindi maganda ang araw na ito para sa’yo. Isa sa mga kapitbahay ang makakasagutan mo dahil sa parinigang namamagitan sa inyo sa social media. Iwasan ang mga taong sawsawera dahil sila ang magpapalala ng gulo.

Masuwerteng numero; 63,75,80,88

BABOY (PIG)

Kukulangin ang effort mo ngayon sa trabaho. Mas makakabuti kung hihingi ka ng tulong sa tao na mas ahead sa’yo at siyang nakakaalam ng pasikot sikot nito. Mapipilitan kang magbaba ng pride alang-alang sa trabaho mo.

Masuwerteng numero; 42,50,71,72

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.