28.1 C
Manila
Friday, April 12, 2024

Chinese Horoscope Nobyembre 17, 2023

DAGA (RAT)

Masaya ang buong maghapong lilipas dahil ang iyong mahal ay mananatili sa tabi mo kahit pa nagkaroon kayo ng mga hindi pagkakaintindihan nitong mga nagdaang araw. Ngayon siya babawi sa’yo at magiging sapat na iyon para mapanatag ka.

Masuwerteng numero; 10,15,19,20

BAKA (OX)

Malilito ka sa dalawang tao kung sino ang nagsasabi sa kanila ng totoo. Kakailanganin mong magsagawa ng sarili mong pag-iimbestiga sa isang pangyayari kung nais mo na malinawan at makuha ang sagot sa tanong mo.

Masuwerteng numero; 21,24,25,33

TIGRE (TIGER)

Mag-ingat sa mga produktong iaalok sa’yo online. Lalo na yung mga produkto na kailangang kailangan mo at hinahanap mo talaga. Mas mainam na sadyain ang totoong bilihan nito dahil malaki ang posibilidad na ikaw ay maloko online.

Masuwerteng numero; 4,12,16,21

KUNEHO (RABBIT)

Susubukan mong pigilan ang iyong mahal sa nais niyang gawin subalit mahihirapan ka lang dahil walang sinuman ang makakapigil sa kanya. Desidido siya kaya magiging dahilan ito ng hindi nyo pagkakaunawaan.

Masuwerteng numero; 47,52,53,60

DRAGON (DRAGON)

Magkakaroon ng pagbabago sa iyong mga plano. May mga bagay at tao kang nakalimutang ikonsidera kung kaya’t sa ayaw at sa gusto mo ay kakailanganin mo itong baguhin. Mas magiging mabuti naman ang resulta.

Masuwerteng numero; 1,2,4,7

AHAS (SNAKE)

Magiging smooth sailing ang mga oras mo ngayon kasama ang mahal sa buhay. Maganda ang magiging bonding nyo sa labas ng bahay kasama ang iba pang miyembro ng pamilya. Mag-ingat lang sa mga pipiliing pagkain.

Masuwerteng numero; 14,20,28,34

KABAYO (HORSE)

Mahihirapan kang ayusin ang gusot sa pagitan ng dalawang tao na malapit sa’yo. Walang sinuman sa kanila ang handang makinig sa payo mo dahil pareho pa silang mainit. Mas makakabuti kung pahuhupain na lang muna ang sitwasyon.

Masuwerteng numero; 2,3,5,8

TUPA (SHEEP)

Hindi magiging maganda ang araw na ito para sa’yo dahil makakaramdam ka ng labis na pangungulila sa iyong mahal na nasa malayo. Hindi mo maiiwasan na hindi siya isipin dahil kusa siyang papasok sa isip mo at mag-aalala ka sa kalagayan niya.

Masuwerteng numero; 39,44,58,67

UNGGOY (MONKEY)

Hindi marerelax ang isip mo kung bawat oras mong hihintayin ang resulta ng isang proyekto. Mas makakabuti kung itutuon mo muna ang atensyon mo sa ibang bagay na mahalaga rin naman sa’yo sa trabaho.

Masuwerteng numero; 3,13,15,27

TANDANG (ROOSTER)

Kaiinipan mo ang pagtakbo ng oras dahil may tao kang hihintayin sa araw na ito. Importante sa’yo ang inyong pagkikita at pag-uusap dahil malaki ang kinalaman nito sa kabuhayan at hinaharap ng iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 61,66,73,75

ASO (DOG)

Ngayong araw ay matitiyak mo sa iyong sarili na hindi ka pa nakaka-move on sa kanya, dahil sa inyong muling pagkikita ay mararamdaman mo ang pait na naramdaman mo noong huli ninyong pagkikita. Maging matalino sa pagharap sa kanya.

Masuwerteng numero; 46,48,51,53

BABOY (PIG)

Hindi solusyon ang pag-iwas mo sa problema. Hindi ito matatapos nang wala kang ginagawang paraan para matapos ito. Isang tao ang makakatulong sa’yo at kahit ayaw mo ay hindi mo siya magagawang tanggihan.

Masuwerteng numero; 5,12,14,17

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.