28.1 C
Manila
Friday, April 12, 2024

Chinese Horoscope Nobyembre 14, 2023

DAGA (RAT) Ihahatid sa iyo ng ligaya ang araw na ito, sapagkat magiging magaan ang buong maghapon. Ang isang taong malapit sa iyo ay magiging iyong nagpapatawa, kaya pansamantalang makakalimutan mo ang iyong mga alalahanin. Suwerteng numero: 14, 15, 20, 25

BAKA (OX) Hindi mo kailangang ipagsiksikan ang iyong sarili sa isang tao na alam mo sa simula pa lang ay walang pakialam sa iyo. Mas mabuti kung magdistansya ka at kilalanin ang mga taong nagpapahalaga rin sa iyo. Suwerteng numero: 13, 24, 32, 40

TIGRE (TIGER) Huwag laging pabigat, ito ay maaaring maging dahilan para ika-inis ng iyong mga kasamahan. Matuto kang sumabay paminsan-minsan, at kung hindi mo gusto, hayaan mo na lang sila, hangga’t walang naaapakang ibang tao. Suwerteng numero: 10, 11, 19, 30

KUNEHO (RABBIT) May inaasahang biglaang biyahe sa iyo ngayong araw na may kinalaman sa isang kamag-anak sa malayong lugar. Mahalaga ang biyaheng ito, kaya’t pansamantala mong iiwan ang iyong trabaho at iba pang gawain sa bahay. Suwerteng numero: 34, 35, 43, 54

DRAGON (DRAGON) Hindi mo kayang pigilang ipahayag ang iyong nararamdaman para sa isang tao. Matagal mo nang itinatago ito, kaya’t sa palagay mo, panahon na para malaman niya ang iyong saloobin. Suwerteng numero: 25, 26, 31, 45

AHAS (SNAKE) Mabibigla ka ng pagdedesisyon at hindi mo na ito mababago. Gayunpaman, may mabuting maidudulot pa rin ito para sa iyo at sa iyong pamilya, kaya’t sa huli, mababawasan na ang iyong pag-aalala. Suwerteng numero: 1, 5, 7, 9

KABAYO (HORSE) Magiging abala ka sa trabaho kaya’t may mga makakaligtaan kang gawin sa bahay. Kahit gusto mo itong tapusin, hindi mo na magagawa dahil hahanapin na ng iyong katawan ang pahinga para sa araw na ito. Suwerteng numero: 46, 55, 57, 60

TUPA (SHEEP) Magkakaroon ng diskusyon sa pagitan mo at ng iyong karelasyon. Aakalaing mauuwi ito sa pag-aaway, ngunit sa huli, siya pa rin ang susuko at magbibigay daan para sa inyo. Isang magandang bonding ang magaganap sa inyong dalawa sa gabi. Suwerteng numero: 30, 48, 56, 57

UNGGOY (MONKEY) Wala kang mapapala sa paghihintay sa isang tao ngayong araw. Hindi siya darating dahil may mas mahalagang dapat unahin. Gayunpaman, may magandang bagay ka ring dapat na pagtuunan ng pansin. Suwerteng numero: 33, 40, 59, 61

TANDANG (ROOSTER) Ang mga salita’y magsisilbing pangtulak sa iyong dibdib ngayong araw. Anuman ang iyong itinatago sa tunay mong nararamdaman para sa kanya, hindi mo ito maitatago. Ipagkakanulo ka ng iyong sariling mga mata. Suwerteng numero: 58, 66, 75, 80

ASO (DOG) Dalhin ka ng iyong sariling damdamin. Kaya naman, ang galit na karaniwang itinatago mo ay lalabas ngayong araw, at magugulat ang lahat ng nasa paligid mo dahil hindi nila ito inaasahan sa iyo. Parang bulkang handang sumabog. Suwerteng numero: 14, 15, 35, 47

BABOY (PIG) Hindi ito ang araw para maramdaman ang katamaran dahil maraming umaasa sa kung ano ang magagawa mo para sa inyong grupo. Alam nila ang iyong lakas at talento, kaya hindi nila hahayaan na hindi ka makilahok. Suwerteng numero: 50, 51, 68, 76

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.