28.6 C
Manila
Thursday, June 20, 2024

Chinese Horoscope Nobyembre 11, 2023

DAGA (RAT)

Makakaisip ka ng bagong ideya para mapaunlad ang kaalaman mo sa iyong trabaho. Isang ideya na pagbabalakan mong i-share sa iba pero magdadalawang isip ka. Hindi mo gusto na maungusan ka ng iba dahil sa sarili mong ideya. Sharing is caring.

Masuwerteng numero; 1,12,22,23

BAKA (OX)

Gagawin mong produktibo ang araw mo ngayon. Sawa ka na kasi sa araw-araw na routine ng buhay mo kaya susubukan mo naman na maging aktibo sa ibang bagay. Susubukan mo ring ilapit ang sarili mo sa mga kapitbahay. Mag-ingat ka lang sa iba.

Masuwerteng numero; 3,5,7,8

TIGRE (TIGER)

Mapapaisip ka sa ikikilos ng iyong mahal. Magiging palaisipan rin sa’yo kung bakit maganda ang mood niya sa buong maghapong lilipas sa kabila ng alam mong problema niya sa trabaho. Bago ka magduda ay magtanong ka muna.

Masuwerteng numero; 1,9,10,11

KUNEHO (RABBIT)

Hindi ka paladaing na tao, pero ngayon ay hindi ka na makakapagkontrol at hindi mo na mapipigilan ang sarili mo na sabihin sa isang mapagkakatiwalaang tao ang iyong mga hinaing. Huwag kang mag-alala dahil pakikinggan ka niya.

Masuwerteng numero; 10,14,15,19

DRAGON (DRAGON)

Pag-uukulan mo ng panahon ang iyong pamilya. Babawi ka sa kanila dahil alam mo kung gaano na kalaki ang pagkukulang mo lalo na sa iyong mga anak. Sasamantalahin mo ang pagkakataon na sandali kang mawawala sa trabaho.

Masuwerteng numero; 6,8,23,25

AHAS (SNAKE)

Malilito ka sa damdamin mo para sa isang kaibigan. Matagal mo na siyang kaibigan at alam mo na iyon lang ang nararamdaman mo para sa kanya. Pero magbabago na iyon ngayon at ikaw mismo ay hindi mo matutukoy ang dahilan.

Masuwerteng numero; 6,8,21,29

KABAYO (HORSE)

Maghihintay ka sa isang lugar para sa isang tao na kakatagpuin mo. Importanteng makausap mo siya, pero mamumuti lang ang buhok mo sa paghihintay kaya mas makakabuti na ipagpaliban mo muna ang pakikipagkita mo dahil hindi ito magandang araw para dito.

Masuwerteng numero; 5,7,19,20

TUPA (SHEEP)

May isang kaibigan ang mag-aaya sa’yo na dumalo sa isang event. Sa una ay tatanggihan mo ito pero magbabago ang isip mo sa huli dahil malalaman mo na dadalo rin sa event na iyon ang isang tao na hinahangaan mo.

Masuwerteng numero; 2,14,22,24

UNGGOY (MONKEY)

Mapupuno ka ng kaba ngayon dahil sa paparating na isa na namang mahalagang event sa buhay mo. Another first time. Huwag kang mag-alala dahil sa pagkakataong ito ay hindi ka na mapapahiya. May mga pagsuportang hindi mo inaasahan.

Masuwerteng numero; 6,8,25,28

TANDANG (ROOSTER)

Isang kamag-anak mo ang magkakasakit at obviously ay kakailanganin niya ang tulong mo. Kaya mo naman siyang tulungan, may mga tao lang sa paligid mo ang kokontra sa’yo dahil hindi nila siya gusto. Magpasya ka ayon sa dikta ng puso mo at hindi sa dikta ng ibang tao.

Masuwerteng numero; 1,11,13,14

ASO (DOG)

May suwerteng lalapit sa’yo ngayon. Hindi pangyayari kundi isang tao na magbibigay sa’yo ng suwerte sa hinaharap. Patuluyin mo siya at ibukas mo ang puso sa kanya nang sa gayon ay mahawahan ka ng suwerteng kakambal niya.

Masuwerteng numero; 10,21,26,27

BABOY (PIG)

Pipiliin mo ang maging mahinahon sa kabila ng tensyon na mamumuo ngayon sa pagitan ng kamag-anak mo at kamag-anak ng asawa mo. Tama ang iyong gagawin na hindi pakikialam. Lilipas din ang lahat na hindi ka masasangkot sa kanilang gulo.

Masuwerteng numero; 8,9,12,21

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.