28.1 C
Manila
Saturday, June 22, 2024

Chinese Horoscope Nobyembre 1, 2023

DAGA (RAT)

Maging maingat sa bawat salitang bibitawan. Lalo na kung ang kaharap mo ay ang tao na walang tiwala sa’yo. Hindi mo kailangang magpaliwanag. Mas makakabuti kung tahimik na gagawin ang iyong sariling plano.

Masuwerteng numero; 3,13,22,40

BAKA (OX)

Wala kang dapat ipag-alala anuman ang mapagpulungan ng iyong grupo dahil ikaw pa rin ang masusunod sa huli. Sa’yo pa rin sila aasa at ikaw pa rin ang titingnan nila bilang kanilang leader. Dapat mo itong ipagpasalamat.

Masuwerteng numero; 12,32,54,57

TIGRE (TIGER)

Isang kamag-anak ang lalapit sa’yo para mangutang. Alam mo na kung paano siya bilang mangungutang kaya nasa sa’yo na ang desisyon kung siya’y pahihiramin mo o tutulungan mo na lang ng kusang loob tutal naman ay ikaw ang nakakaluwag sa ngayon.

Masuwerteng numero; 4,6,7,10

KUNEHO (RABBIT)

Okay lang na i-explore mo pa ang mga bagay na gusto mong malaman. Ang interes mo rito ang siyang maglalapit sa’yo sa isang tao na akala mo ay hindi mo magiging ka-close. Hindi pa ngayon pero ito ang magiging daan.

Masuwerteng numero; 15,21,42,48

DRAGON (DRAGON)

Kakailanganin mong maghigpit ng sinturon para makasiguro na hindi ka magigipit ng todo. Hindi mo gugustuhin na lumapit sa mga kaibigan lalo na sa iyong mga kamag-anak para humingi ng tulong kaya ikaw na ang gumawa ng paraan kung paano ka makakaraos.

Masuwerteng numero; 25,28,49,61

AHAS (SNAKE)

Hindi mo kailangang pilitin ang iyong karelasyon para sumang-ayon sa iyong plano. Bigyan mo muna siya ng pagkakataon na makapag-isip at subukan mong pakinggan ang kanyang panig kung ayaw mo na mauwi sa argumento ang lahat.

Masuwerteng numero; 20,30,43,46

KABAYO (HORSE)

May pagkakataon ka para kalimutan ang nakalipas pero hindi mo magawa dahil may masayang parte kang binabalik-balikan. Wala itong maitutulong sa’yo kaya subukan mo nang magmove on at bigyan ng pagkakataon ang sarili na sumaya sa kasalukuyan.

Masuwerteng numero; 3,15,17,19

TUPA (SHEEP)

Sadyang may suwerte at malas sa negosyo pero totoo rin naman na ang lahat ay pana-panahon lang. kaya kung medyo alatin ka man ngayon ay marami pang pagkakataon na darating para mahawakan mo naman ang suwerte.

Masuwerteng numero; 6,16,22,34

UNGGOY (MONKEY)

Ipagpatuloy mo lang ang iyong pagsisikap at pagtityaga dahil ang lahat ng pinagdaraanan mo ngayon ay bahagi lamang ng direksyong pinili mo patungo sa inaasam mong tagumpay. Iwasan ang makadama ng sobrang kalungkutan.

Masuwerteng numero; 32,35,67,68

TANDANG (ROOSTER)

Masuwerte ka dahil napapalibutan ka ng mga positibong tao na tunay na nagmamalasakit sa’yo. Kaya hindi mo dapat balewalain ang kanilang presensya. Sila ang makakatuwang mo sa lahat ng iyong problema.

Masuwerteng numero; 43,51,65,78

ASO (DOG)

Iwasan ang pagkain ng mga pagkaing basura. Sakit ang makukuha mo lalo na ngayon na sadyang mahina ang iyong resistensya. Makinig sa payo ng mga magulang dahil wala silan iniisip kundi ang para sa ikabubuti mo.

Masuwerteng numero; 42,46,56,79

BABOY (PIG)

Bawas bawasan muna ang pakikipagsosyalan dahil hindi ka magkakaro’n dito, sa halip ay malaki pa ang mawawala sa’yo. Mas makakabuti kung mananahimik sa bahay at gagawin ang mga importanteng bagay na nakaligtaan na.

Masuwerteng numero; 32,40,67,69

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.