26.5 C
Manila
Thursday, February 29, 2024

Chinese Horoscope Enero 23, 2024

DAGA (RAT)

Sa bilis nang paglipas ng panahon ay hindi mo mamamalayan na ang araw na hinihintay mo ay ngayon na. Kaya naman mangangarag ka sa pag-aasikaso ng bagay na dapat ay naasikaso mo na habang hinihintay mo ang araw na ito.

Masuwerteng numero; 8,13,24,27

BAKA (OX)

Wala kang magagawa kung nakapagdesisyon na ang iyong asawa sa isang bagay na may kinalaman sa kanyang mga kamag-anak. Tama ang iniisip mo na dumistansya na lang para hindi ka na madamay sa kanilang sigalot.

Masuwerteng numero; 7,16,17,20

TIGRE (TIGER)

Masuwerte ka sa pagkakaroon ng mabuting anak. Iniisip niya ang maginhawang kinabukasan na maibibigay niya sa inyo. Kaya naman wala kang ibang dapat gawin kundi suportahan siya sa lahat ng kanyang gagawin.

Masuwerteng numero; 11,12,23,24

KUNEHO (RABBIT)

Ang pagbisita sa’yo ng isang kaibigan ay mapapadalas. Kabilang na ang araw na ito. Ito ay dahil sa magandang pakikitungo mo sa kanya. Gustong-gusto ka niya bilang kaibigan at ganoon din naman ang iyong nararamdaman para sa kanya.

Masuwerteng numero; 6,8,19,20

DRAGON (DRAGON)

May isang tao ang lalapit sa’yo para humingi ng payo tungkol sa problema nila ng kanyang kapartner sa buhay. Mag-ingat ka sa pagbibigay ng payo dahil ang problema nila ay hindi isang simpleng problema lang.

Masuwerteng numero; 1,20,22,28

AHAS (SNAKE)

Hindi mo maiiwasan ang makaramdam ng inis sa iyong mahal dahil mapapansin mo ang pambabalewala niya sa’yo at sa mga opinyon mo. Buong maghapon mong pag-iisipan ang dapat mong maging aksyon sa iyong sitwasyon.

Masuwerteng numero; 9,10,11,21

KABAYO (HORSE)

Masyado kang magiging abala sa trabaho kaya ang oras mo sa iyong mahal ay kakapusin. Dahil dito ay magkakaroon siya ng pagtatampo sa’yo na hindi mo mapapansin dahil ang iyong atensyon ay inookupa ng iyong trabaho.

Masuwerteng numero; 5,16,17,28

TUPA (SHEEP)

Ang gawain na akala mo ay magiging mahirap para sa’yo, ngayon ay mapapatunayan mo na kayang-kaya mo naman palang gawin. Dahil dito ay magiging inspirado ka at pag-iisipang sumubok pa ng maraming bagay.

Masuwerteng numero; 6,8,15,19

UNGGOY (MONKEY)

May pangakong bibitawan ang iyong boss na ikakatuwa mo at iyong panghahawakan. Dahil sa pangakong ito ay lalo ka pang magiging pursigido sa iyong trabaho at mag-iisip pa kung paano ito mapapa-improve.

Masuwerteng numero; 7,16,12,13

TANDANG (ROOSTER)

Mapapasakamay mo ngayon ang isang bagay na gustong-gusto mo. Subalit ito ay magiging pansamantala lang kaya naman dapat mo itong magamit ng tama. Sundin ang sariling kagustuhan at hindi ang kagustuhan ng iba.

Masuwerteng numero; 5,9,11,20

ASO (DOG)

May magagawa ka pa para maisalba ang iyong negosyo. Kailangan mo lang magfocus dito at huwag sunod lang nang sunod sa mga payo ng iba. Kakailanganin mo ang sariling diskarte dahil ito ang mag-aangat sa’yo.

Masuwerteng numero; 8,12,13,24

BABOY (PIG)

Ngayong araw ay maaayos mo na ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan nyo ng iyong mahal. Tama ang iyong gagawing pagpapakumbaba dahil hindi naman ito makakabawas sa iyong pagkatao sa halip ay makakadagdag pa.

Masuwerteng numero; 2,3,29,30

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.