27.9 C
Manila
Wednesday, February 28, 2024

Chinese Horoscope Disyembre 7, 2023

DAGA (RAT)

Magtataka ka dahil ang taong inaasahan mo ngayong araw ay hindi magpapakita sa’yo. Wala kang alam na dahilan para hindi siya sumipot kaya hindi mo maiiwasan na mag-alala para sa kanya lalo pa at mahalaga ang inyong pag-uusapan.

Masuwerteng numero; 14,15,27,28

BAKA (OX)

Ang buhay ay parang isang telenobela at ikaw ang bida. Natural lamang na magkaroon ng kontrabida sa iyong buhay at ngayong araw ay makakasalamuha mo siya. Magkukrus ang inyong landas sa isang shopping mall.

Masuwerteng numero; 21,25,36,47

TIGRE (TIGER)

Sa ayaw at sa gusto mo ay kailangan mo na siyang bitawan. Kailangan mo nang bumitaw  sa relasyon nyo na alam na alam mo namang hindi na nagwowork. Wala ka na rin namang nararamdaman para sa kanya kaya palayain mo na lang.

Masuwerteng numero; 11,20,33,40

KUNEHO (RABBIT)

May kabigatan ang araw na ito sa trabaho dahil sa isang tambak na gawaing matatapat sa’yo. Pero kahit pa gaano ka na kapagod ay obligasyon mong tapusin ang lahat ng naiatang sa’yo. Wala kang mapagpipilian.

Masuwerteng numero; 3,5,9,19

DRAGON (DRAGON)

Matagal mong hinintay ang oportunidad sa trabaho pero ngayong nasa mga kamay mo na ito ay saka ka naman makakaramdam ng katamaran para trabahuhin ito. Huwag kunsintihin ang sarili dahil baka lumipad ang suwerte palayo sa’yo.

Masuwerteng numero; 15,24,28,30

AHAS (SNAKE)

Makakaramdam ka ng guilt dahil hindi mo mapagbibigyan ang isang tao sa hihingin nitong pabor sa’yo kahit kaya mo naman itong ibigay. Buong maghapon itong magiging laman ng iyong isipan na hindi magpapatahimik sa’yo.

Masuwerteng numero; 52,53,58,59

KABAYO (HORSE)

Sa’yo kukuha ng lakas ang isang kaibigan na problemado sa kanyang lovelife. Hayaan mo lang siyang umiyak sa iyong balikat. Ingatan ang pagbibigay ng payo dahil sa halip na makatulong ay baka mapalala mo lang ang kanyang problema.

Masuwerteng numero; 30,31,40,55

TUPA (SHEEP)

Huwag magpabigla bigla sa pagdedesisyon lalo na at may involve na pera. Mas makakabuti kung kokonsulta muna sa mga tao na alam mong may higit na karanasan at kaalaman tungkol dito dahil may posibilidad na ikaw ay maloko.

Masuwerteng numero; 43,53,57,69

UNGGOY (MONKEY)

Huwag mainip dahil matapos ang mga naranasang kakapusan ay malapit nang dumating ang araw ng kaluwagan. Konting tiis at paghihintay pa at malalampasan mo na ang mga panahon ng sobrang kagipitan.

Masuwerteng numero; 6,17,20,29

TANDANG (ROOSTER)

Walang masamang tinapay sa’yo kahit pa alam mo na inaabuso ka na ng isang tao. Paminsan minsan ay matuto ring mag-ingat dahil ang sobrang pagtitiwala ang siyang magdadala sa’yo sa isang hindi magandang sitwasyon.

Masuwerteng numero; 12,26,32,45

ASO (DOG)

Dahil sa liit ng perang mahahawakan mo ay maguguluhan ka kung paano ito gagastusin. Mahihirapan kang magbudget kaya kakailanganin mo ang tulong ng isang malapit na kamag-anak na siyang lagi mong takbuhan.

Masuwerteng numero; 64,68,72,77

BABOY (PIG)

Kung alam mo nang hindi nakakabuti sa’yo ang isang tao ay ikaw na ang magkusang lumayo. Kung hindi mo ito gagawin ay baka maimpluwensyahan ka lang niya sa hindi magandang gawain kaya maging aware ka sa lahat ng oras na kasama mo siya.

Masuwerteng numero; 30,41,53,76

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.