26.7 C
Manila
Sunday, June 16, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Disyembre 25, 2023

DAGA (RAT)

Mapupuno ng saya ang araw na ito dahil makikita mo ang mga tao na gusto mong makita. Isang magandang pagkakataon ito para sa inyong bonding. Walang humpay na balitaan at kumustahan ang magaganap.

Masuwerteng numero; 34,48,40,41

BAKA (OX)

Sa kabila ng malaking gastusin ay mas mangingibabaw pa rin ang kasiyahan sa iyong puso dahil makakasama mo ang tao na pinakamamahal mo sa araw na ito. Isasantabi mo muna ang stress dahil sa kanya.

Masuwerteng numero; 12,21,31,37

TIGRE (TIGER)

Hindi ka masyadong mag-eenjoy sa araw na ito dahil makakaranas ka ng kagipitan. Lalampas sa iyong budget ang perang kakailanganin mo kaya mapipilitan kang manghiram sa tao na alam mong hindi ka mahihindian.

Masuwerteng numero; 3,16,20,27

KUNEHO (RABBIT)

Mag-ingat sa mga pagkaing kakainin dahil maaari kang makaranas ng pananakit ng tiyan. Tiyakin na ang pagkaing kakainin ay maayos ang pagkakaluto. Makakaiwas sa kapahamakan kung dodoblehin ang pag-iingat.

Masuwerteng numero; 24,45,56,59

DRAGON (DRAGON)

May darating kang mga bisita na hindi mo inaasahan. Matagal mo na silang hindi nakikita kaya naman labis mong ikagugulat na makita sila ngayon. Ang araw na ito ay punumpuno ng sorpresa dahil na rin sa mga bitbit nilang balita.

Masuwerteng numero; 3,4,8,9

AHAS (SNAKE)

Ingatan na mabuti ang pera na iyong pinaghirapan. Huwag agad magpapadala sa mga nakaka-chat online dahil malaki ang posibilidad na ikaw ay maisahan at ang perang pinagsikapan mong kitain ay mawala sa’yo ng ganun na lang.

Masuwerteng numero; 38,39,43,54

KABAYO (HORSE)

Sa gitna ng pagsasaya ay isang malapit na kamag-anak ang mangangailangan ng iyong tulong na hindi mo matitiis. Kahit pa marami ang kontra sa kanya ay alam mo sa sarili na naging mabuti siyang kamag-anak sa’yo.

Masuwerteng numero; 5,14,16,18

TUPA (SHEEP)

Isang magandang balita ang ipapaabot sa’yo ng isang kaibigan. Hindi pa man nakakarating sa’yo ang biyaya ay labis labis na ang magiging pasasalamat mo. Tama ang attitude na ipapakita mo kaya ipagpatuloy mo lang.

Masuwerteng numero; 11,22,39,57

UNGGOY (MONKEY)

Hindi ka mahihiyang gawin ang isang bagay na alam mong tama at marami ang makikinabang. Kahit pa makarinig ka ng mga salitang hindi magaganda laban sa’yo ay gagawin mo pa rin kung ano sa tingin mo ang nararapat.

Masuwerteng numero; 16,37,39,42

TANDANG (ROOSTER)

Magkakaroon ka ng pagkakataon na ipadama sa mga mahal mo sa buhay ang pagmamahal mo para sa kanila na hindi man sa pamamagitan ng pera at least ay sa pag-aalala at pag-aalaga mo sa kanila lalo na sa araw na ito.

Masuwerteng numero; 14,22,25,28

ASO (DOG)

Isang kaibigan na matagal mo nang hindi nakikita ang makakakrus mo ng landas ngayong araw. Magkakaroon kayo ng saglit na oras para makapag-usap at kahit sandali lang iyong ay marami kang mababalitaan.

Masuwerteng numero; 10,14,33,45

BABOY (PIG)

Hindi man kayo magkasama ng iyong mahal sa araw na ito ay hindi naman kayo magkukulang ng oras para sa isa’t-isa kahit sa pamamagitan lang ng internet. Buo pa rin ang inyong pagmamahalan kahit anong mangyari.

Masuwerteng numero; 49,52,67,70

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.