26.3 C
Manila
Monday, July 15, 2024

Chinese Horoscope Disyembre 13, 2023

DAGA (RAT)

Matatali ka sa bahay ngayong araw. Dahil wala kang masyadong gagawin kaya maiisip mo siya nang maiisip. Okay lang ‘yan dahil ngayong araw na ito ay magiging laman ka rin ng isip niya. May koneksyon kayo hindi man kayo magkita.

Masuwerteng numero; 7,8,9,10

BAKA (OX)

Lihim kang hahanga sa isang dati ng kaibigan. Kung noon ay hindi mo siya pansin at wala ka ni katiting na interes sa kanya, ngayon ay tila magiging kakaiba ang tingin mo sa kanya. Mapapansin mo ang pangkaraniwan lang naman niyang kakayahan subalit sa tingin mo ito ay espesyal.

Masuwerteng numero; 1,12,23,30

TIGRE (TIGER)

May isang kamag-anak mo ang mangangailangan ng iyong tulong. Siya yung tipo ng kamag-anak na nakakakilala lang kapag ikaw ay nakakaalwan sa buhay. Sa kabila nito ay hindi mo rin siya matitiis at ipaaabot mo pa rin sa kanya ang iyong tulong.

Masuwerteng numero; 2,4,15,26

KUNEHO (RABBIT)

May bagong oportunidad ang darating sa’yo. Ihahatid ito sa’yo ng isang kaibigan na nagmula pa sa malayo. Marami ang kokontra tungkol dito pero mananaig ang iyong kagustuhan. Susubukan mo ito sa kabila ng iyong mga pag-aalinlangan.

Masuwerteng numero; 9,10,11,12

DRAGON (DRAGON)

Magiging smooth sailing lang ang takbo ng bawat oras mo ngayong araw. Maari kang magrelax dahil ang problema ay hindi ka guguluhin ngayon. Tulad mo ay magpapahinga muna rin ito. Sasamantalahin mo na ang pagkakataon na makapag-unwind.

Masuwerteng numero; 7,18,23,24

AHAS (SNAKE)

Magiging masigla ang araw mo ngayon dahil sa umaga pa lang ay makikita mo na ang nagbibigay sa’yo ng inspirasyon. Kung pwede lang ay pipigilan mo ang mundo sa pag-ikot para manatili lang siya sa tabi mo sa pagkakataong ito.

Masuwerteng numero; 4,5,16,19

KABAYO (HORSE)

Isang hindi inaasahan na pangyayari ang magaganap sa pagitan mo at ng iyong ex. Magkikita kayo ng biglaan at may kung anong pwersa ang panandaliang magbubuklod sa inyong dalawa. Hindi mo ito gusto pero kusang magbabalik sa’yo ang mga alaala pati na ang feelings mo.

Masuwerteng numero; 8,10,11,13

TUPA (SHEEP)

Magiging masigla ang araw na ito para sa iyong negosyo. Maganda ang epekto ng pagkakaroon mo ng good vibes sa kabila ng mga negative elements sa paligid. Dapat mong ipagpatuloy ang ganitong pananaw sa ikauunlad pa ng iyong negosyo.

Masuwerteng numero; 19,20,29,30

UNGGOY (MONKEY)

Sa kabila ng iyong mga agam-agam at pag-aalala ay aayunan ka pa rin ng kapalaran sa iyong mga plano. Magaganda ang mga nais mong gawin sa buhay kaya naman kakasihan ka ng tadhana sa paraang hindi mo inaasahan.

Masuwerteng numero; 7,17,26,28

TANDANG (ROOSTER)

Sisikat ang araw mo ngayon. Ang mga taong pinag-uusapan ka sa iyong likuran ay pag-uusapan ka pa rin. Subalit ngayong araw ay positibo naman ang sasabihin nila tungkol sa’yo dahil sa mga achievements mo na makakarating sa kanila.

Masuwerteng numero; 3,14,15,26

ASO (DOG)

Ito ang araw na ikaw ay magdaramdam sa’yong mahal dahil hindi niya mapapagbigyan ang nais mong mangyari. Dahil dito ay makakapagdesisyon ka ng biglaan na iyo ring pagsisisihan sa bandang huli. Wala kang magagawa kundi palipasin ang mga pangyayari.

Masuwerteng numero; 1,12,19,22

BABOY (PIG)

Makakabangga mo sa trabaho ang taong ayaw mong makasama at ni makita hangga’t maaari. Hindi mo alam kung bakit mabigat ang loob mo sa kanya at pakiramdam mo ay ganoon din siya sa’yo. Sa huli ay pipiliin mo rin ang magpakahinahon.

Masuwerteng numero; 6,7,9,11

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.