31.4 C
Manila
Monday, May 27, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Abril 26, 2024

DAGA (RAT)

Magaan ang pasok ngayon ng suwerte para sa’yo. Yung tipong mag-aabot abot ang biyayang matatanggap mo. Mag-ingat lang sa mga taong mapanuri at mapanghusga dahil marami sila na nakapaligid sa’yo at nag-oobserba.

Masuwerteng numero; 19,23,34,35

BAKA (OX)

May mga bagay at pangyayari na sadyang mahirap ipaliwanag. Gayundin sa tao. Sa araw na ito ay may makakasalamuha kang mahirap ispelengin ang ugali at mahihirapan kang intindihin ito. Hindi mo makakayang paliwanagan.

Masuwerteng numero; 8,20,25,30

TIGRE (TIGER)

Anuman ang gawin mong buti ay hindi mo makakayang i-please ang lahat ng tao. Gayunpaman, mas marami pa naman ang nagtitiwala sa’yo kaysa nagdududa kaya ipagpapatuloy mo pa rin ang iyong mga layunin.

Masuwerteng numero; 45,47,52,59

KUNEHO (RABBIT)

Wala kang dapat ikabahala kahit pa hindi masunod ang gusto mo. Ang lahat naman ay pansamantala lang sa inyong trabaho. Konting tiis lang at pagtitiyaga muna at babalik din sa normal ang lahat at matutupad din ang nais mo.

Masuwerteng numero; 20,30,31,36

DRAGON (DRAGON)

Bagamat hindi masyadong maganda ang araw na ito para sa’yo ay ipagkikibit balikat mo na lang. Ayaw mo nang dibdibin pa ang mga hindi magandang pangyayari, sa halip ay magpopokus ka na lang sa positive side.

Masuwerteng numero; 1,2,4,6

AHAS (SNAKE)

Malilibang ka sa kusina sa araw na ito dahil may bagong luto kang matututunan. Ma-eexcite ka dahil hindi mo naman talaga hilig ang magluto, wala kang alam dito. At ngayon ka pa lang magkakaroon ng interes dito.

Masuwerteng numero; 16,18,22,39

KABAYO (HORSE)

Mahihirapan kang gawin ang iyong responsibilidad sa trabaho dahil marami ang kokontra sa’yo. Kaya naman ngayong araw ay pag-iisipan mo ng husto kung ano ang pinakatamang diskarte para mapasang-ayon mo sila.

Masuwerteng numero; 57,58,69,70

TUPA (SHEEP)

Magkakaroon ka ng pagdadalawang isip sa pagdedesisyong gagawin mo na may kinalaman sa iyong pamilya. Ayaw mong magkamali kaya gusto mo na bigyan pa ng panahon ang sarili para makapag-isip ng mabuti.

Masuwerteng numero; 13,14,20,30

UNGGOY (MONKEY)

Magkakaroon ka ng argumento sa isang opisyal dahil sa isang maling gawa na mapapansin mo. Ayaw mo na sana itong patulan pero mapo-provoke ka at magagawa mong maisiwalat ang lahat ng nalalaman mo tungkol sa kanya.

Masuwerteng numero; 42,53,57,60

TANDANG (ROOSTER)

Hindi ka palaaway na tao kaya naman pipiliin mo na lang iwasan ang isang kamag-anak na walang ginawa kundi bwisitin ka. Alam mong meron siyang gustong mangyari at hindi iyon para sa ikakabuti mo kaya hindi mo mapapayagan.

Masuwerteng numero; 11,12,31,43

ASO (DOG)

Maging mapagmasid sa paligid. Sa kabila ng nararanasang krisis ng lahat ay hindi pa rin nawawala ang mga mapagsamantala, sa halip ay lalo silang dumarami kaya mag-ingat ka dahil malaki ang posibilidad na ikaw ay mabiktima.

Masuwerteng numero; 10,26,28,35

BABOY (PIG)

Ang patong patong na problema ay mababawasan na ngayong araw dahil sa tulong na matatanggap mula sa isang tao na nagmamalasakit sa’yo at sa iyong pamilya. Malaking tulong ito para sa inyo kaya labis mong ipagpapasalamat.

Masuwerteng numero; 62,63,74,75

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.