34.3 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Love Horoscope Setyembre 18 2023

ARIES Tuloy pa rin ang buhay, kahit pa nag-iba na ang kanyang pananaw sa iyo. Ito ay dahil alam mo na maraming umaasa sa iyo, kaya’t hindi ka dapat huminto at manghina dahil lamang sa pagkabigo sa iyong pag-ibig. Masuwerteng mga numero: 17 at 18.

TAURUS Masasaktan ka, ngunit hindi ka susuko. Batid mong mapaglaro ang tadhana, lalo na sa pag-ibig, at handa kang lumaban at magtaya rito. Ngayon pa lang, ihanda mo na ang iyong sarili sa mas mabibigat pang pagsubok. Masuwerteng mga numero: 11 at 20.

GEMINI Hindi mo noon pinaniniwalaan ang tunay na pag-ibig, ngunit ngayon ay mararamdaman mo na ang tunay na kaligayahan sa piling ng iyong minamahal. Hindi ka na magiging mapait tulad ng dati, at wala nang magkakantyaw sa iyo. Masuwerteng mga numero: 10 at 20.

CANCER Batid mo na masaya pa rin siya sa iba, kaya’t sa ngayon, magpapakumbaba ka na lamang. Idarasal mo na sana’y magkaroon ka rin ng pagkakataon na magmahal at mahalin, upang matapos ang iyong pagkakaroon ng pagkukunwari. Masuwerteng mga numero: 35 at 40.

LEO Walang katapusang kabaitan at pagmamahal ang ipinapakita sa iyo ng iyong karelasyon. Kaya’t idarasal mo na sana’y manatili itong ganyan para hindi mo na maranasan ang mabigo. Masuwerteng mga numero: 15 at 17.

VIRGO Wala kang pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Ang mahalaga sa iyo ngayon ay ang inyong dalawa at ang inyong relasyon. Kahit sino pa ang masaktan o mawalan, ipaglalaban mo ito hanggang sa huli. Masuwerteng mga numero: 45 at 54.

LIBRA Sa ngayon, mas pipiliin mo muna ang pagiging single, dahil nais mong magpahinga sa nakakapagod na relasyon. Iyong pahahalagahan ang kalayaan na magawa ang lahat ng iyong nais. Masuwerteng mga numero: 51 at 62.

SCORPIO Hindi ka agad naniniwala sa iyong sariling kutob, lalo na sa pag-ibig, dahil mas pinipili mong magtiwala sa kanya. Ngunit ngayong araw, mare-realize mo na may mga pagkakataon na dapat kang magtiwala sa iyong sariling instinct. Masuwerteng mga numero: 23 at 34.

SAGITTARIUS Dahil mahal mo siya, ikaw ang nag-aadjust sa inyong relasyon para sa kanya. Nais mo siyang pasayahin at sundan sa lahat ng pagkakataon. Subalit hindi ito makabubuti para sa inyong dalawa. Masuwerteng mga numero: 28 at 32.

CAPRICORN Dahil sa mga pinagdaanan ninyo, mahirap kang mag-let go. Mas mainam na pansamantala kang maglayo at pag-isipan ang tamang solusyon kaysa biglain ang pagpapakawala. Masuwerteng mga numero: 15 at 16.

AQUARIUS Noong ikaw ang nasa kagipitan at natutuliro sa iyong mga problema, siya ay nandiyan para intindihin ka at tulungan. Ngayon na siya ang nangangailangan, hindi niya hihilingin na tulungan mo siya; sapat na sa kanya ang pang-unawa. Masuwerteng mga numero: 6 at 7.

PISCES Kahit nagbitaw ka ng hindi magagandang salita, siya pa rin ang palaging nasa isip mo. Ngayon, mararamdaman mo ang panghihinayang at mare-realize mong hindi dapat mo ito sinabi. Masuwerteng mga numero: 22 at 27.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.