28.9 C
Manila
Wednesday, June 12, 2024

Horoscope Pag-Ibig Setyembre 29, 2023

ARIES

 Wag munang ikumpara sa kasalukuyang pag-ibig sa iyong nakaraan hindi ito makakatulong upang maging matatag ang inyong pagmamahalan.

Masuwerteng numero; 15 & 33

TAURUS

 Kung ikaw ang tatanungin ay ayaw mong sukuan ang inyong magulong relasyon. Ngunit tadhana na ang nagpasya at wala kanang magagawa kundi ang magparaya.

Masuwerteng numero; 11 & 20

GEMINI

Magiging masaya ka ngayon sa piling ng iyong mahal dahil may solusyon na ang problemang kinakaharap nyo na matagal naring bumabagabag sa iyong isipan

Masuwerteng numero; 10 & 20

CANCER

Mababaling ang atensyon mo sa isang tao dahil sa labis niyang kabaitan sa’yo. Idagdag pa ang kanyang pagiging maalalahanin.Wag lamang kalimutan na pag-aari na ng iba ang iyong puso.

Masuwerteng numero; 14 & 35

LEO

Wala kang magagawa para baguhin ang isip ng iyong mahal. Kaya naman kahit masakit para sayo ay pilit mo siya kakalimutan.

Masuwerteng numero; 17 & 23

VIRGO

Iinit ng husto ang ulo mo dahil sa mababalitaan mong ginagawa ng iyong mahal sa tuwing hindi kayo magkasama. Gayunpaman, Kapag bakikita muna siya ay dagli ding nawawala ang inis mo sa kanya at nangingibawbaw padin ang labis mong pagmamahal.

Masuwerteng numero; 6 & 9

LIBRA

Ang labis mong pangungulila sa iyong kapareha ay matutugunan ng ibang tao. Alam mong mali pero hindi mo maiwsan na madala ng iyong emosyon at damdamin.

Masuwerteng numero; 48 & 59

SCORPIO

Lalo pang tataas ang pagtingin mo sa iyong kapareha sa buhay dahil sa gitna ng inyong paghihirap   ay hindi mo siya nakikitaan ng panghihina sa halip ay lalo siyang nagpuprsigi sa buhay.

Masuwerteng numero; 18 & 19

SAGITTARIUS

Ang tao na inaakala mong may pagtingin sa’yo ay bigla na lang manlalamig na para bang hindi ka niya kilala. Ngunit hindi mo ito iindahin dahil wala ka namang nararamdaman sa kanya.

Masuwerteng numero; 33 & 37

CAPRICORN

Malaki ang magiging improvement ng inyong relasyon dahil susundin mo ang mga payo sa’yo ng mga kaibigan mong meron ng karanasan sa pag-ibig kaya naman pareho kayong matathimik ng iyong mahal.

Masuwerteng numero; 20 & 40

AQUARIUS

Hindi ka magsasawang pangaralan ang iyong karelasyon tungkol sa mahahalagang bagay na hindi pa niya lubos na naiintindihan. Tinanggap mo ang kanyang kahinaan kaya nagpasya kang ikaw na rin ang mag-aadjust para maging maayos ang inyong pagsasama

Masuwerteng numero; 12 & 21

PISCES

 Lagi mo pa ding naaalala ang iyong ex kahit may bago kanang karelasyon. Alam mong unfair ito sa kanya ngunit hindi mo maiiwasang ikumpara silang dalawa.

Masuwerteng numero; 30 & 35

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.