32.8 C
Manila
Sunday, June 23, 2024

Horoscope Pag-Ibig Setyembre 28 2023


ARIES Kakailanganin mong mamili sa pagitan ng iyong matalik na kaibigan at ng iyong kapareha. Hindi ito magiging madali para sa’yo lalo na at naunang dumating sa buhay mo ang matalik mong kaibigan bago ang iyong mahal. Biyayang handa: 15 & 34

TAURUS Walang masasabi kang hindi maganda tungkol sa iyong karelasyon dahil wala siyang ipinakita sa’yo na masama. Kaya’t magtataka ka kung bakit may negatibong opinyon ang ibang tao sa kanya sa inyong paligid. Biyayang handa: 17 & 20

GEMINI Hindi pa ito ang tamang panahon para sa pag-ibig na tunay na magmamahal sa’yo. Kaya’t huwag kang magmadali. Gamitin mo ang oras mo sa mga bagay na may kabuluhan at maghintay nang may pag-iingat sa pag-ibig. Biyayang handa: 34 & 45

CANCER Huwag mong gawing batayan ang karanasan ng iba para matakot kang magmahal. Lahat tayo ay may mga sariling karanasan at pagsubok sa anumang aspeto ng buhay, lalo na sa pag-ibig. Biyayang handa: 23 & 25

LEO Ikakagulat mo ang maririnig mula sa iyong kapareha. Hindi mo inaasahan na ganito ang pagtingin niya sa’yo sa buong panahon na magkasama kayo, kaya’t hindi mo maiiwasan ang pagkadismaya. Biyayang handa: 14 & 20

VIRGO Hindi ito ang tamang panahon para sa pag-ibig sa ngayon. Alam mo na ito’y makakapaghintay, kaya’t mas mabuting mag-focus ka sa iyong trabaho at sa pag-angkin ng inaasam na posisyon. Biyayang handa: 6 & 7

LIBRA Kahit ano pa ang iyong ipanalangin, hindi pa ito ang panahon na ibibigay sa iyo ng Diyos ang taong hinihiling mo na para sa iyo. Ito ay dahil hindi pa oras na magkrus ang inyong mga landas at magkaroon ng kaluwagan sa puso. Biyayang handa: 44 & 60

SCORPIO Malayo pa ang inyong mararating bilang magkasama kaya huwag kang bibitaw. Ang mga pagsubok na kinakaharap ninyo sa ngayon ay magpapalakas sa inyong relasyon at magpapalalim ng inyong pagmamahalan. Biyayang handa: 12 & 18

SAGITTARIUS Mabilis na matatapos ang inyong pagsasama. Sa simula pa lang ng inyong relasyon, marami nang problemang sumiklab, kaya’t nararanasan mo ngayon ang panghihinayang. Biyayang handa: 6 & 9

CAPRICORN Mahirap pigilin ang panghihinayang para sa taong kamakailan lang dumating sa iyong buhay. Nararamdaman mo ang malalim na koneksiyon sa kanya, kahit alam mong hindi kayo pwede. Biyayang handa: 25 & 38

AQUARIUS Susubukan mong makipag-ayos sa iyong mahal upang maayos ang inyong relasyon. Iniintindi mo na ngayon na hindi mo kayang mawala siya sa iyong buhay, kaya’t handa kang gawin ang lahat para maging maayos kayo. Biyayang handa: 27 & 42

PISCES Makakamit mo ang maraming bagay sa pamamagitan ng iyong pagpapakumbaba sa iyong mahal. Dahil dito, mas titindi ang pagpapahalaga niya sa iyong mga pagsisikap at pagmamahal. Ngayon, tiwala ka na sa iyong desisyon. Biyayang handa: 8 & 18

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.