32.8 C
Manila
Sunday, June 23, 2024

Horoscope Pag-Ibig Setyembre 27 2023

ARIES

May mangyayari na diskusyon sa pagitan nyo ng iyong karelasyon dahil sa magkaiba ninyong opinyon. Kaya naman ang araw na ito ay magiging makulimlim para sa inyong dalawa. Hindi kayo magkikibuan hanggang sa gabi.

Masuwerteng numero; 10 & 12

TAURUS

Masaya ang bawat oras na lilipas sa inyong dalawa dahil na rin sa inyong mga anak. Sila ang magpapagaan sa mabibigat na sitwasyong pinagdaraanan at pagdaraanan nyo pa kaya mapalad kayo sa kanila dahil mas maging matatag kayo

Masuwerteng numero; 8 & 17

GEMINI

Ang naging relasyon mo sa isang tao ay hindi mo na maitatago sa iyong mga kaanak. Sa araw na ito ay may isa sa kanila ang makakatuklas kaya malalaman na rin ng iba pang miyembro ng pamilya. Pero para sa’yo tapos na ito at hindi na dapat pang pag-usapan.

Masuwerteng numero; 35 & 45

CANCER

Hindi mo gugustuhin na magpakababa at maliitin ang iyong pagkatao dahil lang sa isang tao. Bagamat mahal mo siya ay alam mong dapat mo ring mahalin at pahalagahan ang iyong sarili kaya sisikapin mong kalimutan na lang siya.

Masuwerteng numero; 15 & 16

LEO

Asang-asa ka na sa inyong pagkikita subalit madidismaya ka lang dahil hindi pa rin kayo bibigyan ng pagkakataon ng tadhana. Mailap pa rin ang suwerte para sa inyong dalawa kaya kailangan nyo pang maghintay.

Masuwerteng numero; 56 & 65

VIRGO

Tiis mode muna kayo ngayon ng iyong mahal. Kahit pa gaano kalaki ang kagustuhan nyo na magsama sa mga panahon na ito ay mabibigo pa rin kayo. Pero wala kayong balak sumuway sa kung ano ang ipinag-uutos kaya naman magtitiis muna.

Masuwerteng numero; 30 & 39

LIBRA

Wala kang masasabi sa kabaitan ng iyong kinakasama. Handa niyang gawin ang lahat para maibigay ang mga pangangailangan mo. Kung kinakailangang magtiis ay gagawin niya pero asahan mo na gagawa siya ng paraan para mapagaan ang sa’yo.

Masuwerteng numero; 5 & 10

SCORPIO

Hindi mo maiaalis sa kanya ang magselos. Hindi mo kasi nababantayan ang iyong emosyon para sa ibang tao. Kaya naman hindi mo namamalayan na labis na ang naibibigay mong atensyon sa iba kaysa sa kanya.

Masuwerteng numero; 23 & 32

SAGITTARIUS

Sa lahat halos ng pagkakataon ay palaging siya ang iyong inuuna. Ito ay dahil sa labis mong pagmamahal sa kanya. Subalit sa araw na ito ay susubukan mo namang unahin ang iyong sarili na nais mo ring bigyan ng halaga.

Masuwerteng numero; 24 & 25

CAPRICORN

Kahit gaano ka pa maging maingat na masaktan ang damdamin ng iyong kapareha ay darating at darating pa rin ang oras na masasaling mo ang kanyang damdamin tulad ngayong araw na ito, hindi mo man sinasadya.

Masuwerteng numero; 57 & 70

AQUARIUS

Alam mo sa sarili mo na hindi mo siya ganoon kamahal na tulad ng pagmamahal mo sa iyong ex. Gayunpaman, ayaw mong ipagkait sa kanya ang pagkakataon na maging masaya siya sa piling mo kahit ikaw na lang ang magdusa.

Masuwerteng numero; 34 & 43

PISCES

Ito na ang araw na gusto mo ulit magsimula kasama siya. Isang bagong buhay na bagamat alam mong magiging mahirap para sa inyong dalawa ay mas pipiliin mo pa rin na subukan makasama mo lang siya ulit.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.