32.8 C
Manila
Sunday, June 23, 2024

Horoscope Pag-ibig Oktubre 28, 2023

ARIES

Kaiinipan mo ang pagdating ng iyong mahal. Para sa’yo ay masyado ng matagal ang panahon ng inyong pagkakalayo kaya naman inip na inip ka na sa muli ninyong pagkikita na inaasahan mong magaganap na ngayon pero mabibigo ka lang.

Masuwerteng numero; 12 & 14

TAURUS

Dahil sa pagdating ng isang bagong inspirasyon ay mabilis mong makakalimutan ang sakit na dulot ng nagdaan mong pag-ibig. Madali kang mapapatawa at mapapasaya ng bago mong kakilala kaya makaka-move on ka agad.

Masuwerteng numero; 27 & 30

GEMINI

Hindi sinasadya’y makakagawa ka ng isang bagay na makakasakit sa damdamin ng iyong mahal. Hindi mo ito gustong mangyari pero hindi mo na mapipigilan kaya naman poproblemahin mo ngayon kung paano ka makakabawi.

Masuwerteng numero; 5 & 15

CANCER

Magiging masakit sa’yo ang nakatakda ninyong paghihiwalay ngayon. Lalo pa at hindi mo alam kung ano ang dahilan ng kanyang pagbabago. Kahit na ayaw mo itong mangyari ay wala kang lakas ng loob para pigilan siya.

Masuwerteng numero; 13 & 18

LEO

Isang masakit na lihim ang matutuklasan mo tungkol sa iyong mahal. Sa kabila nito ay mahihirapan ka pang magdesisyon ngayon kung bibitaw ka na ba o kakapit pa. Bibigyan mo muna ng pagkakataon ang sarili mo na mag-isip mabuti.

Masuwerteng numero; 9 & 19

VIRGO

Hindi mo matitiis ang isang tao na palaging nagpapadama sa’yo ng kanyang pagmamahal. Kahit hindi mo makakayang tumbasan ang pagmamahal niya ay bukal sa puso mo naman siyang tutulungan sa kanyang problema.

Masuwerteng numero; 33 & 35

LIBRA

Isang tao ang papapasukin mo sa iyong buhay kahit hindi ka pa sigurado kung siya na ba talaga ang para sa’yo. Ito ay para lamang ipakita mo sa iyong ex na kaya mo siyang palitan agad-agad ng tao na inaakala mong nakahihigit sa kanya.

Masuwerteng numero; 20 & 31

SCORPIO

Sa kabila ng pagsisikap mo ay wala pa ring mababago sa takbo ng inyong pagsasama  Kung paano ito nagsimula  ay ganoon pa rin ito. Gayunpaman ay mananatili ka pa ring tapat sa kanya.

Masuwerteng numero; 10 & 13

SAGITTARIUS

Hindi ka mananahimik na lang sa problemang pinagdaraanan ng inyong relasyon. Gagawa at gagawa ka ng paraan upang matunton ang dahilan ng lahat ng iti

Masuwerteng numero; 20 & 30

CAPRICORN

Kahit na sinukuan na niya ang inyong relasyon hindi ka basta basta nalang susuko. Naniniwala ka sa mga himala o milagro at gusto mo ring paniwalaan na mangyayari ito sa inyo. Na babalik siya sa’yo at magiging masaya kayo ulit.

Masuwerteng numero; 17 & 21

AQUARIUS

Pansamantala mong pipiliin na ipahinga muna ang iyong puso. Hindi mo na muna bibigyan ng panahon ang iyong lovelife dahil matagal na nitong pinapasakit ang iyong ulo. Gusto mo munang maramdaman ang peace of mind.

Masuwerteng numero; 18 & 32

PISCES

Ni minsan ay hindi ka pa napahiya o nagdalawang salita sa iyong mahal. Tulad ng dati ay pagbibigyan pa rin niya ang iyong kahilingan kahit pa ito ay hindi na niya kaya. Gagawa pa rin siya ng paraan para mapagbigyan ka.

Masuwerteng numero; 46 & 48

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.