29.8 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Horoscope Pag-Ibig Oktubre 11, 2023

ARIES

Malabong mangyari ang nais mo. Ang tao na gustong gusto mo ngayon ay hindi ang tao na para sa’yo. Mag-aaksaya ka lamang ng panahon sa kanya pero hindi siya mapapasa’yo tulad ng gusto mong mangyari.

Masuwerteng numero; 40 & 51

TAURUS

Ang tao na dati mong pinagseselosan ang siya ring tao na makakaramay mo ngayon sa iyong pinagdaraanan. Kaya naman magpapasya kang kalimutan na lang ang lahat para maging komportable ka kasama siya.

Masuwerteng numero; 32 & 37

GEMINI

Bibilis ang tibok ng puso mo ngayong araw dahil hindi mo inaasahan na makikita mo siya ngayon. Siya ang tao na nagpapangiti sa’yo at nagbibigay ng inspirasyon kaya naman gumaganda ang araw mo kapag nakikita mo siya.

Masuwerteng numero; 25 & 30

CANCER

Mahihirapan kang mapapayag ang iyong asawa sa kagustuhan mo. Pero wala kang panahon na makipagtalo sa kanya. Gayunpaman, susubukan mo pa rin siyang kumbinsihin sa mahinahon na paraan sa mga nalalabi pang oras.

Masuwerteng numero; 45 & 55

LEO

Hindi man kayo magkalapit ngayon ay mananatili ka pa ring positibo sa inyong relasyon. Patuloy kang maniniwala na ikaw lang ang mahal niya at wala siyang ibang iniisip kundi ikaw dahil ganoon ka rin sa kanya.

Masuwerteng numero; 13 & 14

VIRGO

Hindi pa ito ang araw na magkakaayos kayo. Hangga’t hindi nyo pinapakinggan ang panig ng isa’t-isa ay mananatiling magulo pareho ang inyong isip kaya naman ang relasyon nyo ay hindi pa rin magkakaroon ng kapanatagan.

Masuwerteng numero; 67 & 68

LIBRA

May hindi pagkakaunawaang magaganap sa pagitan ninyong magkarelasyon. Hindi nyo ito maiiwasan kahit pa anong gawin at sabihing payo sa inyo ng inyong mga kamag-anak at kaibigan na nagmamalasakit.

Masuwerteng numero; 8 & 16

SCOPRPIO

Wala kang magagawa sa gagawing desisyon ng iyong asawa. Hindi mo siya mapipigilan sa kanyang nais gawin kaya mas makakabuti kung sa halip na kontrahin ay suportahan mo na lang siya o manahimik ka na lang muna.

Masuwerteng numero; 13 & 16

SAGITTARIUS

Malaki ang maitutulong mo sa pinagdaraanan ngayon ng iyong kabiyak. Hindi man ito materyal na bagay, alam mong may magagawa ka para matulungan siya sa pamamagitan ng pagsuporta at pagdarasal para sa kanya.

Masuwerteng numero; 30 & 40

CAPRICORN

Kukulangin ang tiwala mo sa iyong asawa sa araw na ito kaya naman hindi niya magagawa ng maayos ang kanyang dapat gawin. Aalalahanin ka niya at ang iyong pagdududa kaya hindi siya magkakaroon ng kapanatagan.

Masuwerteng numero; 22 & 33

AQUARIUS

Maaaliw ka sa kanya dahil sa kanyang labis na kakulitan. Ang maghapon nyo ay magiging masaya at puno ng kulay. Subalit bago matapos ang gabi ay mapipikon ka dahil sa isang salita na kanyang mabibitawan.

Masuwerteng numero; 11 & 13

PISCES

Hindi mo mapipigilan ang kanyang pag-alis. Kahit pa labag ito pareho sa inyong kalooban ay nakatakda pa ring maghiwalay ang landas nyo ng pansamantala. Mababalot ka ng kalungkutan sa araw na ito dahil doon.

Masuwerteng numero; 5 & 9

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.