30.6 C
Manila
Thursday, June 20, 2024

Horoscope Pag-Ibig Oktubre 10, 2023

ARIES

Sa palagay mo ay hindi pa sapat ang pagmamahal na ibinibigay mo sa iyong asawa dahil sa huli ay mas pinipili pa rin niya ang kanyang mga kapatid. Para sa kanya ay sila pa rin ang mas magaling at labis mo itong ipagdaramdam.

Masuwerteng numero; 25 & 40

TAURUS

Hindi ka mawawalan ng lugar sa puso ng taong minamahal mo dahil wala na siyang ibang paglalaanan ng kanyang pag-ibig kundi ikaw. Kaya maaari ka ng mapanatag sa kabila ng minsanan ninyong hindi pagkakaunawaan.

Masuwerteng numero; 30 & 40

GEMINI

Masaya ang araw na ito para sa inyong dalawa ng iyong mahal dahil sa wakas ay magkakaroon kayo ng pagkakataon na makapagbonding sa labas matapos ang ilang buwang paghihintay. No dull moment for today.

Masuwerteng numero; 5 & 16

CANCER

Hindi mo magugustuhan ang ideya ng iyong kinakasama tungkol sa isang negosyong nais nitong pasukin. Kaya naman gagawin mo ang lahat para mapigilan siya sa kanyang balak at maipakita sa kanya ang maaari ninyong kaharapin kaugnay nito.

Masuwerteng numero; 17 & 25

LEO

Love is cruel. Ito ang pinaniniwalaan mo sa ngayon dahil sa sunud-sunod na kabiguan sa pag-ibig na iyong naranasan. Mararamdaman mo na parang napakailap sa’yo ng suwerte pagdating dito gayong willing ka namang ibigay ang lahat.

Masuwerteng numero; 13 & 39

VIRGO

Sapat na ang pagmamahal at effort na ibinibigay niya para sa’yo. Pero magtataka ka kung bakit tila meron pa ring kulang sa inyong pagsasama. Parang may hinahanap ka na hindi mo makita o maramdaman sa kanya.

Masuwerteng numero; 11 & 12

LIBRA

Alam mo kung gaano magiging masakit para sa’yo na pakawalan ang iyong mahal. Pero kailangan mo itong gawin. Kailangan mo siyang ipaubaya sa tao na minamahal na niya ngayon na sa kasawiang palad ay ang iyong kaibigan.

Masuwerteng numero; 8 & 9

SCORPIO

Magugulat ka dahil yung akala mo ay walang pakialam ang iyong asawa sa pinagkakaabalahan mo na pagkakakitaan, ngayon ay magbubuhos na rin siya ng effort para dito para matulungan ka. Labis mo itong ikatutuwa.

Masuwerteng numero; 4 & 17

SAGITTARIUS

Nag-iwan na ng aral sa’yo ang pagiging padalos dalos mo noon kaya naman ngayon ay pag-iisipan mo na munang mabuti ang iyong magiging hakbang lalo pa at marami ang madadamay sa oras na magwakas ang inyong relasyon.

Masuwerteng numero; 24 & 27

CAPRICORN

Madali mong magagawa ang gusto mo dahil suportado ka ng iyong kapareha sa lahat ng bagay. Kahit pa hindi niya naiintindihan ang mga trip mo ay sasakyan ka pa rin niya dahil sa labis na pagmamahal niya sa’yo.

Masuwerteng numero; 6 & 16

AQUARIUS

Sa wakas ay makikita mo na rin ng personal ang iyong chatmate na minahal mo na at nakarelasyon lamang sa internet. Ngayon na ang tamang panahon para sa inyong dalawa at walang mababago sa inyong pagtitinginan.

Masuwerteng numero; 38 & 45

PISCES

Kahit kailan ay hindi mo siya pinagdudahan kaya naman magiging sobrang sakit para sa’yo ang hindi magandang balita na makakarating sa’yo ngayong araw. Ito ay may kinalaman sa kanyang pagtataksil sa’yo.

Masuwerteng numero; 2 & 4

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.