29.7 C
Manila
Friday, July 12, 2024

Horoscope Pag-Ibig Nobyembre 30, 2023

ARIES Siya ang iyong buhay at pag-ibig kaya naman kahit ano pa ang ipagawa niya sa’yo ay buong puso mong susundin. Subalit sa araw na ito, mapapatunayan mo na hindi pala lahat ng nais niya ay kaya mong pagbigyan. Masuwerteng numero: 19 & 23

TAURUS Kahit na may kasamang iba ngayon, hindi mo pa rin maiiwasan na hindi isipin ang dati mong minahal. Ito ay dahil sa dami ng inyong pinagsamahan, at batid mong kahit papa’no ay may nararamdaman ka pa rin para sa kanya. Masuwerteng numero: 58 & 69

GEMINI Kahit na nagdesisyon ka na at pinili mo na siya, hindi pa rin mawawala sa puso mo ang mga what-if kung ‘yung isa ang pinili mo. Hindi pa rin buo ang iyong naging desisyon, at mararamdaman mo na parang may kulang. Masuwerteng numero: 56 & 65

CANCER Kahit magngitngit ka sa galit, wala ka ring magagawa. Hindi mo na mababago ang isip ng iyong karelasyon. Itutuloy niya pa rin ang pagtanggap sa trabaho kung saan muli niyang makakasama ang kanyang ex. Masuwerteng numero: 7 & 8

LEO Mahirap mang ispelengin ang attitude ng iyong mahal, pero hindi nito mababago ang pagmamahal mo sa kanya. Handa ka pa ring unawain siya kahit mismong mga kamag-anak mo ang hindi makaunawa sa’yo. Masuwerteng numero: 20 & 31

VIRGO Handa kang talikuran ang iyong trabaho para sa taong minamahal mo ng labis kung gugustuhin niya. Kahit pa mangahulugan ito ng kakapusan mo sa pera, ito ay para na lang matigil ang kanyang pagseselos sa mga kasama mo sa trabaho nang walang basehan. Masuwerteng numero: 49 & 56

LIBRA Alam mo na kailangan mo nang kalimutan siya, pero hindi mo pa rin gagawin, kaya’t patuloy ka pa ring masasaktan. Ngayong araw tatanggap ka ng masasakit na salita mula sa mga tao sa paligid ninyo dahil sa katigasan ng iyong ulo. Masuwerteng numero: 10 & 14

SCORPIO Gaano ka man ka-busy ngayon sa trabaho, hindi pa rin maaalis sa isip mo ang problema sa pag-ibig na hindi mo pa magagawang solusyunan ngayon. Kaya mananatili kang tuliro at hindi makakapokus sa iyong trabaho. Masuwerteng numero: 35 & 40

SAGITTARIUS Excited ka sa nalalapit na pag-uwi ng iyong mahal dahil gusto mo ng maipakita sa kanya ang iyong mga sorpresa. Ito ay may kinalaman sa iyong mga naipundar mula sa kanyang kinita na gusto mong isorpresa sa kanya. Masuwerteng numero: 15 & 22

CAPRICORN Inis na inis ka man noon sa kanyang kakulitan at pagiging kulang sa pansin, ngayong wala siya sa paligid, hindi mo maiiwasan na hanapin ang kanyang presensya. Hindi mo man aminin sa iyong sarili, mayroon ka nang damdamin sa kanya. Masuwerteng numero: 11 & 17

AQUARIUS Hindi mo man maintindihan ang iyong sariling damdamin ngayon para sa iyong karelasyon, wala kang gagawin na alam mong makakasakit sa kanya. Mananatili ka sa kanyang tabi kahit pa hindi ka na maging masaya. Masuwerteng numero: 29 & 30

PISCES Mararamdaman mo ang panlalamig ng iyong kapareha, pero hindi mo ito papansinin. Ayaw mong isipin man lang ang maaaring dahilan nito. Hindi mo makakaya na mawala siya sa piling mo, kaya’t uunawain mo pa rin siya. Masuwerteng numero: 38 & 54

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.