31.6 C
Manila
Sunday, June 23, 2024

Horoscope Pag-Ibig Nobyembre 19, 2023

ARIES: Hindi ka ang tipo ng tao na basta-basta na lang susuko sa anumang laban. Lahat ay handa mong harapin, kaya’t palagi mong inihahanda ang iyong sarili sa anumang iyong kakaharapin, lalo na sa pag-ibig. Masuwerteng numero: 8 & 28.

TAURUS: May bagong hihilingin ka sa iyong mahal. Alam mong hindi siya makakatangi sa iyo ngayon, kaya sasamantalahin mo ang pagkakataong ito. Masuwerteng numero: 40 & 47.

GEMINI: Kahit alam mong malabo nang mahalin ka niya muli, aasa ka pa rin na babalik siya at tutuparin ang kanyang mga pangako. Masuwerteng numero: 11 & 13.

CANCER: Panghihinaan ka ng loob pagdating sa pag-ibig dahil hindi mo sukat akalain na ang mga pangako niya sa iyo ay ganoon na lang kadaling kalimutan. Masuwerteng numero: 7 & 14.

LEO: Hindi mo kailangang pag-aksayahan ng oras ang isang tao na wala namang oras at panahon para sa’yo. Matagal ka nang nagtitiis sa kanya para lamang sa pinakaasam mong pagmamahal. Panahon na para sumuko. Masuwerteng numero: 16 & 36.

VIRGO: Magiging masaya ang araw na ito para sa iyong love life. Kahit na anong pag-iwas ang gawin mo, hindi mo maiiwasan ang pag-ibig na itinadhana sa iyo. Masuwerteng numero: 15 & 30.

LIBRA: Kahit kakahiwalay ninyo pa lang, hindi ka basta-basta magmumukmok sa isang tabi. Hindi ka ang taong magpapakalunod sa kalungkutan dahil sa pag-ibig. Masuwerteng numero: 54 & 58.

SCORPIO: Alam mong mali, ngunit kailangan mong magsinungaling ngayon sa iyong mahal, dahil kung hindi, tiyak ang malaking away. Masuwerteng numero: 13 & 15.

SAGITTARIUS: Hindi mo na mapipigilan ang iyong sarili, kaya sasabihin mo na sa iyong kapareha ang iyong mga hinaing laban sa kanyang pamilya. Sasabihin na kailangan na ninyong humiwalay sa kanila. Masuwerteng numero: 22 & 37.

CAPRICORN: Maraming beses mo na siyang pinagbigyan at pinatawad. Mahal mo siya, ngunit may hangganan din ang iyong pagtitiis. Masuwerteng numero: 12 & 15.

AQUARIUS: Tunay ang pagmamahal mo sa kanya, at ilang beses mo na itong napatunayan sa kanya. Ngunit palamig pa rin ang pakikitungo niya sa iyo, kaya ganoon na lang ang sakit na iyong mararamdaman. Masuwerteng numero: 40 & 50.

PISCES: Hindi mo kailangang sundan ang lahat ng sasabihin niya sa iyo, lalo na kung may kinalaman ito sa personal mong pangarap. Ngunit tandaan mo lamang na mag-asawa kayo. Masuwerteng numero: 24 & 25.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.