28.4 C
Manila
Thursday, December 7, 2023

Horoscope Pag-Ibig Nobyembre 17, 2023

ARIES: Mapupuno ng paglalambingan ang araw na ito. Lalo pang titibay ang pagmamahalan ninyo matapos ang mga pagsubok nitong mga nakaraang araw. Ngayon ang araw na magmumuni-muni kayo. Masuwerteng numero: 16 at 21

TAURUS: Mararamdaman mo na ngayon ang panlalamig sa’yo ng iyong kapareha na matagal mo nang inaasahang mangyari. Alam mo na darating din ang araw na magsasawa siya sa set-up ninyo, na maging sa iba ay hindi katanggap-tanggap. Masuwerteng numero: 46 at 55

GEMINI: Sa kabila ng lakas ng iyong karisma, katalinuhan, at iba pang espesyal na katangian, hindi ka pa rin papansinin ng mga tao na gusto mong mapansin sa’yo. Ang kanilang atensyon ay mananatili sa kanilang pinagkakaabalahan. Masuwerteng numero: 17 at 23

CANCER: Kailangan mong tanggapin na hindi mo mapakiusapan ang lahat ng tao na huwag makialam sa inyong relasyon. Lalo na’t alam nila na dumaraan kayo ngayon sa malaking problema na susubok sa inyong pagsasama. Masuwerteng numero: 15 at 19

LEO: Wala kang balak na dramahan ang iyong asawa para lamang makuha ang iyong gusto sa araw na ito. Gusto mong pagbigyan ka niya dahil gusto niya ito ng kusa at hindi dahil naawa lang siya sa drama mo. Masuwerteng numero: 33 at 37

VIRGO: Mahihiya kang kausapin o lapitan ang iyong karelasyon matapos ang matinding away ninyo. Hindi mo alam kung paano ka makikipagkasundo sa kanya ngayong alam mo na ikaw ang nagkamali at hindi siya. Masuwerteng numero: 12 at 20

LIBRA: Kahit hindi mo siya nakakasama, patuloy ka pa ring aasa na magwo-work pa rin ang inyong relasyon. Wala kang balak bumitaw sa gitna ng mga problemang kinakaharap ninyo ng magkahiwalay, at ito ang ipaparamdam mo sa kanya ngayon. Masuwerteng numero: 10 at 19

SCORPIO: Kahit alam mong hindi mo na siya dapat kumustahin, gagawin mo pa rin. Sobrang namimiss mo na siya kaya naman pipiliin mo pa rin na makausap siya kahit sandali, kahit magmukha kang tanga sa kanyang paningin. Masuwerteng numero: 43 at 56

SAGITTARIUS: Hindi mo mapipigilan ang tukso, pero magagawa mo itong iwasan kung gugustuhin mo. Ang magiging problema mo ay ikaw mismo ang lalapit sa tukso kahit alam mo na ang motibo nito, kaya mahihirapan kang iwasan ito. Masuwerteng numero: 11 at 17

CAPRICORN: Wala ka nang babalikan. Kahit subukan mo pang muling kumonekta sa kanya, malabo nang mangyari ang iniisip mo. Bago pa man kayo maghiwalay, alam mo nang may iba na siyang minamahal, kaya’t dapat mo nang kalimutan. Masuwerteng numero: 50 at 60

AQUARIUS: Sa wakas, magdedesisyon ka na rin ngayon na harapin ang problema sa inyong relasyon. Ipaglalaban mo kung ano ang para sa’yo at hindi mo hahayaang maagaw ng iba ang iyong mahal. Gagawin mo ang lahat. Masuwerteng numero: 54 at 68

PISCES: Labis mong ikakairita ang pagiging pasaway ng iyong kapareha. Kahit lagi mo siyang iniintindi, hindi ka pa rin masasanay sa kanyang ugali, kaya sa away pa rin lagi mauuwi ang hindi ninyo pagkakaintindihan, kahit sa maliit na bagay. Masuwerteng numero: 32 at 41

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles