28.2 C
Manila
Thursday, June 20, 2024

Horoscope Pag-Ibig Nobyembre 10, 2023

ARIES

Mapapagtaasan mo ng boses ang iyong mahal dahil mapipikon ka sa inyong biruan. Magiging dahilan ito ng kanyang pagtatampo at pansamantalang paglayo sa’yo. Gayunpaman, alam mo na magpapalipas lang siya ng sama ng loob.

Masuwerteng numero; 18 & 20

TAURUS

May magandang pangyayari na magaganap sa pagitan nyo ng inyong kapareha. Kaya naman ang araw na ito ay magiging isa sa mga memorable ninyong araw. Ang buong maghapon nyo ay magiging maaliwalas at puno ng pagmamahalan.

Masuwerteng numero; 16 & 24

GEMINI

Hindi mo magugustuhan ang salitang maririnig mo sa iyong kapareha laban sa iyong mga kamag-anak. Alam mo kasi na malaki rin ang naitutulong sa inyo ng iyong mga relatives kaya hindi nila deserve ang ganoong mga pananalita.

Masuwerteng numero; 45 & 56

CANCER

Magiging malaking bagay para sa’yo ang gagawing effort ng iyong mahal bilang pagsuporta niya sa’yo. Kaya naman ikasisiya mo ito ng labis. Kahit hindi niya sabihin ay tatanawin mo pa rin itong utang na loob sa kanya.

Masuwerteng numero; 23 & 43

LEO

Mababawasan ang lungkot mo dulot ng personal mong problema dahil sa hindi inaasahang pagdating ng iyong mahal. Siya ang magpapabago ng mood mo at papawi ng kalungkutan na nararamdaman mo sa buong araw.

Masuwerteng numero; 11 & 13

VIRGO

Huwag kang umasa na matutupad ng iyong mahal ang kanyang mga pangako agad-agad. Bigyan mo siya ng sapat na panahon dahil hindi madali para sa kanya ang pangakong kanyang binitawan. Wala kang magagawa kundi maghintay.

Masuwerteng numero; 40 & 50

LIBRA

Magkakaroon ka ng bagong mangingibig. Pero kahit na nasa gitna ka ng kalungkutan dulot ng kabiguan sa nagdaan mong relasyon ay wala kang balak na bigyan ng atensyon ang bagong pag-ibig na magpaparamdam sa’yo ngayon.

Masuwerteng numero; 10 & 22

SCORPIO

Huwag magpadalos dalos ng pagpapasya lalo na pagdating sa usaping pag-ibig. Sa oras na magkamali ka ay ikaw din ang magsisisi sa huli at posibleng mahirapan kang ibalik sa dati ang lahat kaya maging maingat sa mga bibitawang desisyon.

Masuwerteng numero; 15 & 17

SAGITTARIUS

Malalaman mo na ngayon kung sino sa kanilang dalawa ang tunay na nagmamahal sa’yo. Kaya hindi ka na mahihirapan na mamili ng iyong mamahalin. Sa araw ding ito ay sasabihin mo na sa kanila ang dapat nilang malaman.

Masuwerteng numero; 48 & 57

CAPRICORN

Sa araw na ito ay magiging panatag ang iyong buhay pag-ibig. Pansamantala kayong mapapahinga sa stress ng iyong mahal dahil masosolo nyo ang araw. Wala sa inyong paligid ang mga tao na kumokontra sa inyong pagmamahalan.

Masuwerteng numero; 18 & 24

AQUARIUS

Hindi mawawalan ng saysay ang pagtitiyaga mo sa iyong mahal. Dahil sa wakas ay mare-realize na rin niya ang halaga ng iyong mga ginagawa para sa kanya. Mararamdaman mo na ngayon ang pag-appreciate niya.

Masuwerteng numero; 16 & 25

PISCES

May matutuklasan kang hindi maganda tungkol sa iyong mahal. Pero wala ka pang balak na sabihin ito sa kanya dahil pag-iisipan mo pang mabuti sa araw na ito kung ano ang dapat mong maging aksyon na hindi mo pagsisisihan.

Masuwerteng numero; 35 & 37

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.