32.8 C
Manila
Sunday, June 23, 2024

Horoscope Pag-Ibig Disyembre 22, 2023

ARIES Maganda ang magiging usapan nyo ngayon ng iyong mahal kahit nasa malayo siya. Meron kayong pagkakaunawaan na kayong dalawa lamang ang nakakaintindi at sapat na ito upang mawala ang iyong pangamba. Masuwerteng numero; 53 & 67

TAURUS Hindi mo kakayanin ang mga pang-iinsulto na gagawin sa’yo ng taong mahal mo. Ang mga salitang akala mo ay para sa ibang tao. Kaya sa araw na ito, mag-isip ka nang mabuti sa dapat mong gawin ukol dito. Masuwerteng numero; 16 & 17

GEMINI Ang akala mong buong pagtitiwala sayo ay maglalaho na ngayon. Dahil ngayon mo mapapatunayan kung gaano kaliit ang tiwala na binibigay niya sayo. Masuwerteng numero; 13 & 15

CANCER Hindi ka pa rin nawawalan ng pag-asa sa kanya. Ang labis mong pag-asam sa kanyang pag-ibig ay hahawakan mo at hindi ka titigil hangga’t di ka niya iniibig pabalik. Masuwerteng numero; 11 & 20

LEO Isang kaibigan ang nakikita mong lihim na may pagtingin sa taong iyong ding lihim na iniibig. Kaya naman ngayon ay mapapaisip kung dapat muna bang kalimutan ang damdamin mo para sa taong ito at sasabayan mo ang kaibigan na mangarap ng kanyang pag-ibig. Masuwerteng numero; 45 & 50

VIRGO Kahit na pikon na pikon ka na sa kanya, ay pilit mo pa ding siyang uunawain at iintindihin. Alam mong mahirap ang kanyang pinagdadaanan kaya’t siya ganito ngayon. Masuwerteng numero; 18 & 19

LIBRA Magiging masaya ang maghapong ito para sa inyong mag-asawa. Kahit sunod-sunod ang mga pagsubok na dumating, alam mong kakayanin ninyo ito dahil pareho kayong hindi susuko at bibitaw. Masuwerteng numero; 33 & 37

SCORPIO Muli mong mararamdaman ang kalungkutan lalo na sa kawalan muna ng lovelife. Alam mo hindi mo ito dapat maramdaman ngunit hindi mo maiwasang masamahan ng inggit ang iyong mga kaibigan na masaya na sa buhay pag-ibig nila. Masuwerteng numero; 24 & 29

SAGITTARIUS Ikakagulat mo ang mararamdaman sa inyong paghihiwalay. Dahil ang akala mong sakit na idudulot nito ay hindi mo nararamdaman. Sa halip, parang ibon ka na nakalaya na matagal nang nakakulong sa hawla. Masuwerteng numero; 2 & 11

CAPRICORN Ang kalungkutan mo na dulot ng pag-ibig ay mawawala ngayong araw dahil sa isang tao. Mag-eeffort siya para pasayahin ka dahil alam niya ang iyong pinagdaraanan. Ngunit kung ito ba ay dahil sa pag-ibig, hindi mo pa malalaman sa ngayon. Masuwerteng numero; 15 & 25

AQUARIUS Hindi ka ang tipo ng tao na naniniwala sa forever, at lalo na hindi ka yung taong nagpipilit sa isang pag-ibig. Alam mo kung hanggang saan ang effort at pagtitiis. Masuwerteng numero; 21 & 31

PISCES Ipagdaramdam mo ang pagkalimot ng iyong mahal sa inyong mahalagang okasyon. Subra ang epekto mo dito ngunit ngayon ay tila hindi man lamang niya ito naalala. Masuwerteng numero; 34 & 58

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.