25.4 C
Manila
Monday, February 26, 2024

Horoscope Pag-Ibig Disyembre 21, 2023

ARIES Ito ang araw ng lambingan at dahil dito ay, lalo pang titibay ang pagmamahal nyo sa isa’t-isa matapos ang mga pagsubok na nilampasan nyo magkasama. Masuwerteng numero; 16 & 21

TAURUS Dumating na sa sukdulan ang inyong relasyon, alam mong mangyayari ito kaya dapat handa kana, ngunit para hindi mo padin siya kayang pakawalan. Masuwerteng numero; 46 & 55

GEMINI Maganda ka, matalino at malakas ang karisma, ngunit tilang ang hirap mong mapansin ng taong matagal ng nagpapatibok ng iyong puso, kaya loveless padin ang peg mo. Masuwerteng numero; 17 & 23

CANCER Alam mo at dapat mong tanggapin na hindi lahat ng tao ay mapapakiusapan mo na huwag makialam sa inyong relasyon. Ngunit alam na kailangan ninyong ng payo upang mas maayos ang inyong problema.

LEO Labis mong ikakairita ang pagiging pasaway ng iyong kapareha. Kahit lagi mo siyang iniintindi ay hindi ka pa rin masasanay sa ugali niya kaya naman sa away pa rin lagi mauuwi ang hindi nyo pagkakaintindihan kahit pa sa maliit na bagay. Masuwerteng numero; 32 & 41

VIRGO Sa wakas ay magdedesisyon ka na rin ngayon na harapin ang problema ng inyong relasyon. Ipaglalaban mo kung ano ang para sa’yo at hindi mo hahayaan na maagaw ng iba ang iyong mahal. Gagawin mo ang lahat. Masuwerteng numero; 54 & 68 Masuwerteng numero; 12 & 20

LIBRA Kahit na alam mong hindi mo na siya dapat kumustahin ay gagawin mo pa rin. Sobrang namimiss mo na siya kaya naman kahit magmukha ka pang tanga sa paningin niya ay pipiliin mo pa rin na makausap siya kahit sandali. Masuwerteng numero; 43 & 56

SCORPIO Hindi mo mapipigilan ang tukso pero magagawa mo itong iwasan kung gugustuhin mo. Ang magiging problema mo ay ikaw pa mismo ang lalapit sa tukso kahit alam mo na ang motibo nito kaya mahihirapan kang iwasan ito. Masuwerteng numero; 11 & 17

SAGITTARIUS Wala ka ng babalikan. Kahit pa subukin mo na muling kumonekta sa kanya ay malabo nang mangyari ang iniisip mo. Bago pa man kayo maghiwalay ay alam mong may iba na siyang minamahal kaya dapat mo na siyang kalimutan. Masuwerteng numero; 50 & 60

CAPRICORN Kahit hindi mo siya nakakasama ay patuloy ka pa ring aasa na magwowork pa rin ang inyong relasyon. Wala kang balak bumitaw sa gitna ng mga problemang kinakaharap nyo ng magkahiwalay at ito ang ipaparamdam mo sa kanya ngayon. Masuwerteng numero; 10 & 19

AQUARIUS Mahihiya kang kausapin o lapitan ang iyong karelasyon matapos ang matindi ninyong away. Hindi mo alam kung paano ka makikipagkasundo sa kanya ngayong alam mo na, na ikaw ang siyang nagkamali at hindi siya. Masuwerteng numero; 12 & 20

PISCES Wala kang balak na dramahan ang iyong asawa para lamang makuha mo ang iyong gusto sa araw na ito. Mas gusto mong pagbigyan ka niya dahil ginusto niya ng kusang loob at hindi dahil naawa lang siya sa drama mo. Masuwerteng numero; 33 & 37

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.