29.9 C
Manila
Friday, May 24, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Abril 11, 2024

DAGA (RAT)

Higit sa sinuman ay ikaw ang nakakakilala sa iyong sarili. Alam mo kung ano ang iyong ginagawa kaya naman kahit ano pa ang sabihin ng iba ay mananatili kang naniniwala sa iyong sarili at paninindigan mo ito.

Masuwerteng numero; 11,15,20,22

BAKA (OX)

Dire-diretso lang ang dating ng biyaya sa araw na ito. Huwag kang kukurap kung ayaw mong masalisihan ka ng mga taong likas ang kaitiman ng budhi. Kahit maraming biyaya ay hindi ito magandang araw para sa’yo.

Masuwerteng numero; 18,26,27,30

TIGRE (TIGER)

Malaya kang masasabi ang anumang nais mong sabihin ngayon sa isang miyembro ng inyong pamilya. Maraming beses mo na siyang pinagbigyan sa kanyang mga kagustuhan at kapritso kaya papalag ka na sa pagkakataong ito.

Masuwerteng numero; 6,16,23,30

KUNEHO (RABBIT)

Ngayon mo malalaman kung sino sa iyong mga kaibigan ang makakaramay mo sa oras ng iyong kagipitan. Bagamat ang iba sa kanila ay sadyang kapos tulad mo, mero din naman na wala talagang balak tumulong.

Masuwerteng numero; 61,62,68,69

DRAGON (DRAGON)

Ang buong maghapon mo ay magugugol sa pagtuklas mo sa mga bagong recipe na pwede mong ihain para sa iyong pamilya. Marami kang makikita at matututunan sa internet, ang problema ay hindi available ang lahat ng sangkap.

Masuwerteng numero; 17,27,34,39

AHAS (SNAKE)

Isang mabilisang pagpapasya ang gagawin mo sa araw na ito. Kung hindi mo ito gagawin ay pamilya mo ang maaapektuhan. Kaya naman kahit pa may masagasaan ka sa iyong plano ay itutuloy mo pa rin para sa pamilya.

Masuwerteng numero; 11,19,26,27

KABAYO (HORSE)

May mga bagay na sadyang mahirap gawin lalo na kung wala kang suporta na nakukuha mula sa tao na inaasahan mong magbibigay sa’yo nito. Pero kahit pa sumama ang iyong loob at mahirapan ka ay gagawin mo pa rin.

Masuwerteng numero; 15,24,33,36

TUPA (SHEEP)

May iba kang mapagbabalingan ng atensyon mo ngayon. Isang aktibidad na hindi mo pa nagagawa kaya naman magiging interesante ito para sa’yo. Lalo na at kasama mo sa gawaing ito ang iyong buong pamilya.

Masuwerteng numerol 12,13,24,25

UNGGOY (MONKEY)

Hindi ka magiging produktibo ngayong araw na ito dahil sa mararamdaman mong hindi kaaya-aya sa katawan. Mas gugustuhin mo na palipasin ang oras sa pagpapahinga hanggang sa maging mabuti ang iyong pakiramdam.

Masuwerteng numero; 24,32,43,45

TANDANG (ROOSTER)

Kahit nasa loob ka lang ng inyong tahanan ay magiging masigla pa rin ang araw mo. Sa kabila ng mga hindi magandang kaganapan sa ibang lugar ay mananatiling positibo ang  pananaw mo na malalampasan lahat ito.

Masuwerteng numero; 11,17,18,19

ASO (DOG)

Hindi mo magagawang tanggihan ang alok ng isang kaibigan lalo pa at para rin ito sa ikabubuti ng iyong pamilya. Ang nakaraan ninyong alitan ay pansamantala mo munang isasantabi sa mga panahon na ito na kailangan nyo ng karamay.

Masuwerteng numero; 5,6,7,10

BABOY (PIG)

Maguguluhan ka kung sino sa dalawang nakakataas sa’yo sa trabaho ang susundin mo. Magkaiba ang kanilang opinyon at nais mangyari sa isang usapin. Pareho rin silang malapit sa’yo kaya mahahati ang loob mo.

Masuwerteng numero; 42,46,59,60

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.