28.2 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Online Horoscope Setyembre 9 2023

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Huwag mong bigyang halaga ang mga taong kumokontra sa iyo. Isipin mo na lamang sila ang mga asong tahol lang nang tahol. Huwag ka ng magsayang ng oras para sa kanila. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-18-20-23-39-44.

TAURUS (Apr. 20-May 20) – Ito ang araw na papipiliin ka ng kapalaran. Kung wala kang gagawin, susuwertehin ka pa rin pero ‘di ito gaano kalakihan. Samantala, kung aalis ka sa iyong comfort zone, mas malaking suwerte ang ipagkakaloob sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-18-20-25-37-45.

GEMINI (May 21-June 20) – Tila ba’y naglabasan ang mga kontra-bida sa buhay mo, alam mo kung bakit? Dahil nasasagap nila na maiiwanan mo sila ng ilang milya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-19-20-21-24-34.

CANCER (June 21-July 22) – Sinasaktan ka na nga nila, sasaktan mo pa ang sarili mo? Huwag mong pansinin ang mga naiinggit sa iyo. Piliin mong mabuhay ng may positibong pananaw. Ito ang itanim mo sa isip mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-19-21-25-36-45.

LEO (July 23-Aug. 22) – Ganito ka dapat mamuhay. Kaawaan mo ang iyong mga kaaway, silang mga umapi at nagbigay sa iyo ng hinanakit. Kapag nanaig ang awa sa puso mo, hahanga sa iyo ang langit, papadalhan ka nito ng maraming biyaya at pagpapala. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-7-10-14-28-33-32.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Lahat ng hirap ay iyong makakayanan. Kahit subukan ka ng pagkakataon, ikaw pa rin ang mananaig. Ito ang lihim ng iyong pagpapayaman. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-17-20-25-38-46.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Kung saan ka nakikinabang, do’n ka! Ang tao ay nabubuhay para sa kanyang kinabukasan at hindi para sa kanyang kasalukuyan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran na kailangan mong isaisip. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-13-18-24-23-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Hanapin mo ang magbibigay sa iyo ng ligaya. Hanapin mo ang puwedeng pagkunan ng saya. Ito ang susi upang magsidapo sa iyo ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-18-25-28-30-35.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Nahihirapan ka ba sa iyong mga kasamahan? Panigurado ay mas malamang ang sagot na “Oo”, pero sila’y nahihirapan din sa iyo. Lawakan mo lang ang iyong pang-unawa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-13-19-22-24-30-32.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Kung saan luluwag ang dibdib mo, roon ka mamalagi. Kung saan giginhawa ang iyong pakiramdam, do’n ka manirahan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto- 13-16-25-29-34-46.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Ito ang araw na kabaliktaran ng iniisip mo ang mangyayari. Sa halip na negatibo ang mangyayari, magugulat ka dahil biglang gaganda ang takbo ng iyong kapalaran. Huwag na magtanong pa, damahin mo na lamang ang suwerte. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-26-27-30-34-43.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Magtapon ka upang magkaroon ka. Kapag nawalan ka, mas gaganda ang takbo ng buhay mo. Alam kong ang tanong mo ngayon ay sino sa kanila ang itatapon at aalisin mo? Sino pa nga ba, edi ‘yung mga taong nagbibigay sa iyo ng problema. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto- 16-19-20-21-27-36-37.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.