28.6 C
Manila
Thursday, June 20, 2024

Online Horoscope Setyembre 30, 2023

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Pliihim kang inaalalayan ng langit para mapasaiyo ang anumang ambisyon mo sa buhay. Kaya walang dahilan kung bakit hindi ka yayaman. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-8-16-20-23-31-32.

TAURUS (Apr. 20-May 20) – Dadaan ka muna sa pagsubok upang maging matatag,matibay at malakas ka. At pagkatapos  makakaya mo at hindi masasayang ang malalaking suwerte na inilaan sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-lavander  Tips sa lotto-12-21-25-30-41-45

GEMINI (May 21-June 20) – Kung aaminin mo, ikaw ay kapos sa pagiging seryoso dahil ang isa pang maaaring hindi mo aminin ay pababago-bago ka ng isip. Tutok ang lagi mong kailangan sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-14-16-25-38-42.

CANCER (June 21-July 22) – Pag-aralan mo kung paano mo makokontrol ang iyong emosyon. Ang taong kontrolado ang sarili ay may kakayahang kontrolin ang buhay niya, gayundin ang buhay ng ibang tao. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-18-23-26-35-37.

LEO (July 23-Aug. 22) – Bakit umaasa ka sa kapwa mo? Sa langit ka umasa at kumapit dahil tiyak na hindi ka mabibigo. Samantala, ang umaasa sa kapwa ay kadalasang sumasama lang ang kalooban. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-25-28-30-3-35.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Labanan mo ang lungkot, inis at galit sa nakagawa sa iyo ng pagkakamali. Kapag maganda ang iyong isip, gaganda rin ang takbo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-18-21-24-26-34.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Tukso rin ang udyok na biglaang pagpapalit ng hanapbuhay. Kaya dapat ay ihanda mo na ang iyong sarili bago ka maghanap ng ibang pagkakakitaan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-14-15-21-22-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Sapat ang talino at kaalaman na nakuha mo sa iyong mga karanasan para gumanda ang iyong buhay. Huwag kang matakot sa mga biglaang pagbabago ng takbo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-17-29-30-37-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Sasama lang ang loob mo kapag nagpatulong ka. Sobrang matutuwa ka ‘pag ikaw ay mag-isa. Gayundin, mamamangha ka sa magiging diskarte mo sa proyektong nasa harapan mo ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-22-25-26-35-44.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Malalaking suwerte ang nag-aabang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran, kaya huwag kang hihinto, anuman ang iyong nararanasan ngayon. Ito ang paalala sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-17-24-25-30-31.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Akala mo ay hindi mo makukuha ang iyong gusto. Akala mo ay hindi nakikiayon sa iyo ang mga kaganapan. Marami ang nag-akala tulad mo, pero sa huli ay nagtatalon sa tuwa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-12-23-31-35.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Hindi biro ang magtanim dahil maghapong nakayuko. Ganundin ang pamamasukan, maghapong gumagawa at nagpapagod. Ngayon, bibigyan ka ng pagkakataong makapagsarili, sunggaban mo agad dahil uunlad ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-16-29-30-33.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.