28.2 C
Manila
Thursday, June 20, 2024

Online Horoscope Setyembre 26 2023

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Bibigyan ka ngayon ng pagkakataon na makatakas sa nadarama mong hirap sa paghahanapbuhay. Puwede kang lumigaya kung ang pipiliin mo ang kaligayahan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-18-26-29-30-32.

TAURUS (Apr. 20-May 20) – Nakakatuwa ang buhay. Aakakain mong hindi ka sinusuwerte ngayon, pero ang totoo ay kabilang ka sa mga biglaang dadapuan ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-21-29-30-36-37.

GEMINI (May 21-June 20) – Hindi na mahalaga kung ano ka at ano ang iyong ginagawa. Noon pa nagpasya ang langit na ngayon magsisimula ang magagandang bagay sa buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-17-25-26-36-41.

CANCER (June 21-July 22) – Kapag hindi mo gusto, talagang hindi. Sa araw na ito, puwedeng magbago ang pasya mo, kung saan ang inaayawan mo ay maaari mong magustuhan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-15-23-35-37-42.

LEO (July 23-Aug. 22) – Huwag agad maniwala sa matatamis na salita. Ito ang araw na sila ay naglalabasan at naghahanap ng mabibiktima.  Muli, huwag kang maniwala dahil tiyak na sila ay manloloko. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-22-28-31-39-40-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Ito ang mga araw na kapag sinimulan ang matagal nang balak na negosyo, magsisimula na rin ang pagyaman mo. Ano pa ang iyong hinihintay? Magnegosyo ka na! Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-10-14-22-27-33.

LIBRA (Sept. 23-Oct 22) – Makakalimutan ng mahal mo ang iyong mga pagkukulang, gayundin ang kanyang pagtataka. Kung anong magpapasaya sa iyo, kanyang ginagawa. Ito ang balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-12-21-27-28-37.

SCORPIO (Oct. 23-Nov.21) – Wala kang karapatang tumutol ngayon. Bakit ka tatanggi sa magagandang handog sa iyo, gayung wala namang mawawala sa iyo ang kahit isang sentimo? Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-18-20-24-26-36.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Hindi mo magagawang maghigpit ngayon dahil ang maghahari sa iyo ay pag-ibig. Kahit ang lagi mong napipintasan ay hindi mo magagawang masermunan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-22-25-26-39-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan.19) – Minsan, dahil lang sa isang ngiti, nagbabago na ang buhay. Ang simple at tipid na ngiti mula sa iyong labi ay sapat na para gumanda ang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-11-14-28-30-33.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb.18) – May mga senyales na mapapalapit ka sa bagong kakilala at mayayanig ang buhay pag-ibig mo. Bago tuluyang masira, kung sino ang mahal mo, siya ang asikasuhin mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-20-26-28-30-42.

PISCES (Feb.19-Mar. 20) – Gagaan ang pakiramdam mo ngayon, parang himalang nawala ang lahat ng iyong alalahanin. Palantandaan ito na nagsisimula nang magdatingan ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-21-25-26-38-41.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.