27.3 C
Manila
Sunday, June 16, 2024

Online Horoscope Setyembre 24, 2023

ARIES (Marso 21 – Abril 19): Kapag nananariwa ang mga halaman, may mga dahong uusbong pero may mga dahon ding mahuhulog. Ganyan din ang mangyayari. May mga suliranin na darating, pero madali mong matutugunan, at pagkatapos ng mga ito, susunod na ang puro swerte at magagandang kapalaran. Masuwerte ang kulay na aquamarine. Masuwerteng numero 3, 6, 9, 18, 27, 33, 42.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20): Kahit hindi ka masyadong marunong kumanta, humimig-himig ka lang mag-isa. Subukan ang mga awiting pamasko, at makikita mo, matapos mong umawit, mag-uunahan na ang swerte at magandang kapalaran sa iyong harapan. Masuwerte ang kulay na tangerine. Masuwerteng numero 6, 15, 21, 24, 42, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21): Inuutusan ka ng tadhana na wag matakot at magmatapang. Panahon na upang ikaw ay mabuhay sa hindi puro isip at pangarap lamang. Kumilos ka at sa araw na ito anuman ang iyong gawin, papaburan ka ng langit, tiyak na ikaw ay magtatagumpay at magwawagi. Masuwerte ang kulay na emerald green. Masuwerteng numero 5, 13, 19, 23, 28, 39.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22): Kung ano ang gusto mong gawin, gawin mo. Hindi ka pupuwedeng patuloy na nabubuhay dahil sa mga kagustuhan ng ibang tao. Isinilang ka para ikaw ang masunod. Oo, isinilang ka upang ikaw ang mamuno at isinilang ka upang ikaw ang mag-utos. Masuwerte ang kulay na black. Masuwerteng numero 2, 7, 9, 25, 34, 41.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22): Hindi sapat ang salapi sa pagpapatatag ng relasyon. Kailangan din ng lambing, caress, at romansa. Gawin mo ito sa kanya ngayon, bago niya mahalatang lagi mo siyang pinangungunahan at dinodominahan. Masuwerte ang kulay na pink. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 23, 28, 41.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22): Iniisip mo kung paano ka susuwertehin at kung paano lalo pang gaganda ang buhay mo. May nanonod at nakikinig sa mga iniisip mo. Sa malapit na hinaharap, kikilos ang langit, magdaratingan ang iba’t-ibang uri ng suwerte sa iyong harapan. Bukod sa masayang pag-ibig, bigla kang makakatanggap ng malaking halaga, sapat upang mawala na ang mga agam-agam at tuluyang sumaya ang buo mong pagkatao. Masuwerte ang kulay na apple green. Masuwerteng numero 5, 10, 21, 31, 33, 44.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23): Hindi lang ganda ang taglay ng isang bulaklak, may nektar pa sa loob ng kanyang talulot. Ganun din ang kapangyarihan mo, hindi lang ganda, bagkus may mabuti kang ugali at busilak na puso. Ito ang proteksyon mo kaya hindi ka tinatablan ng kamalasan. Ang lahat ng naiingit sa iyo nang lihim at naninira, sila ang malalagas ang kapalaran. Masuwerte ang kulay na pink. Masuwerteng numero 6, 15, 21, 24, 29, 33.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21): Hindi ka dapat magdalawang isip at hindi ka rin dapat matakot. Sa araw na ito, papatnubayan ka ng nasa itaas kung ano ang noon mo pa pangarap at gustong gawin, gawin mo agad kahit may kumokontra. Dumating na ang araw na ipagkakaloob sa iyo ng langit ang iyong tagumpay. Masuwerte ang kulay na maroon. Masuwerteng numero 1, 9, 18, 22, 27, 33.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21): Alam mo ba kung paano ka makakaakit ng mas maraming suwerte at magandang kapalaran sa araw na ito? Ito ay sa pamamagitan ng pakikipag-usap. Habang nakikipag-usap ka, titigan mo sa pagitan ng dalawang mata ang iyong kaharap, at ibulong ang katagang: “Mapapasunod kita!” Anuman ang hilingin mo sa kanya, tiyak na ipagkakaloob sa iyo. Masuwerte ang kulay na silver. Masuwerteng numero 1, 9, 14, 18, 28, 38.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19): May mga taong sinusuwerte kahit walang ginagawa. Mangyayari din sana sa iyo ito, kaya lang likas kang masipag, at hindi sa iyo puwede ang walang ginagawa. Kaya naman, iyong ibang sinusuwerte ng walang ginagawa, maliit lang ang suwerte nila, ang sa iyo ay sobrang laki at dambuhala talaga. Masuwerte ang kulay na orange. Masuwerteng numero 4, 8, 13, 17, 41, 44.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18): May ipinapagawa sa iyo ang langit sa araw na ito. Inuutusan ka na puntahan mo ang isang kaibigang isinilang sa zodiac sign na Libra, siya ang magbibigay sa iyo ng bagong sigla at magandang kapalaran. Masuwerte ang kulay na purple. Masuwerteng numero 4, 6, 14, 24, 27, 45.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20): Lumalaki at lumiliit ang tubig sa dagat, lumalaki at lumiliit din ang buwan sa langit. Hindi puwedeng puro malaki, dapat nagbabawas din. Lingapin mo ngayon ang mga taong naghihirap, yong mga walang tumutulong at sobrang nangangailangan. Tulungan mo sila, matapos mong tumulong, bubuenasin ka. Masuwerte ang kulay na white. Masuwerteng numero 2, 7, 11, 20, 34, 43.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.