29.6 C
Manila
Wednesday, June 12, 2024

Online Horoscope Setyembre 17 2023

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Gagaan ang mga pangyayari. Kakaiba sa nagdaan na kung saan ang mahirap sa iba ay sadyang napakagaang para sa iyo. Kaya, umasa ka na magiging madali lang ang lahat para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-20-24-28-30-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) – Iaangat ka ng iyong kapalaran ngayon, kung saan ay mamangha ang mga inggit sa iyo dahil hindi nila inaakala na habang sinisira ka nila, mas lalong gumaganda ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-19-22-24-29-35.

GEMINI (May 21-June 20) – Ikaw ang mamuno sa mga nasa paligid mo, dahil ikaw lang ang natagpuang may kakayahang dalhin sila sa kung saan may matitikman silang masarap. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-18-25-30-35-36.

CANCER (June 21-July 22) – Hindi lang basta lumalago ang mga halaman, lumalawak din ang kanilang nasasakupan. Matutulad ka sa kanila, lalago rin ang iyong kabuhayan. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-15-29-32-39-40.

LEO (July 23-Aug. 22) – Ito ang araw na kahit hindi ka humiling, ipagkakaloob sa iyo ng langit ang suwerteng nais matikman ng iba. Ang lahat ng ito ay dapat na angkinin, at huwag ipamigay sa iba. Ito ang itanim mo sa isip mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-12-19-21-31-38-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Sunggaban mo ang mga oportunidad na magpapaangat sa buhay mo. Ilagay ang mga ito bilang kasagutan na hinihingi at hinihintay mong senyales mula sa langit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-11-13-27-39-40.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Ito ang araw na may pinapagawa sa iyo ang nasa itaas. Inutusan ka nito na mahalin ang mga taong nagpapahalaga sa iyo at tanggalin sa buhay mo ang mga taong ayaw naman sa iyo. I-let go na ang dapat i-let go, higit kang uunlad at mas magiging maligaya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-18-22-25-27-34.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Mabilis na mapapasaiyo ang anumang gustuhin mo pero sa kondisyon na hindi ka mag-aalinlangan sa iyong kakayahan. Magtiwala ka sa iyong sarili. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-17-20-26-36-38-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Sisigla at mabubuhay ka dahil sa ambisyon mo. Mali ang iniisip mong simpleng buhay lamang. Hindi ‘yan ang nakalaan sa iyo. Abutin mo ang mas mataas na pangarap at tiyak na ibibigay sa iyo ito ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-11-14-27-33-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Huwag mong hintayin ang matagal dumating. Yakapin mo ang dumating at nasa iyong harapan na. Ito ang kasagutan sa iyong pagkainip. Magpasalamat lagi sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-10-15-19-20-23.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Ipakita mo sa langit na seryoso ka ngayon. ‘Wag mong ulitin ang nakaraan na kunwari ay seryoso ka pero ang totoo ay mababaw lang ang pagkakagusto mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-18-21-25-28.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Makikibahagi ka sa mga suwerteng ihuhulog ng langit. Para maging malaki at marami ang mapasaiyo, ipamigay mo ang mga nasa sa iyo, na hindi muna kinakailangan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-14-16-29-39-42.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.