26.1 C
Manila
Tuesday, July 23, 2024

Online Horoscope Setyembre 11 2023

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Para hindi ka maapektuhan ng kalungkutan, balikan mo ang mga araw na kung saan, napagtagumpayan mo ang malaking hamon ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-14-23-27-34-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) – Hindi mo kakayanin ang magulong sitwasyon na kung saan magtatalu-talo ang pamilya mo. Mas maiging makinig ka na lamang sa mga paborito mong musika. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-12-24-33-42-45.

GEMINI (May 21-June 20) – Muli, ipapaalala sa iyo na ang mga tao ngayon ay maiinit ang ulo, dahil umiikot ng paatras ang ilang mga planeta sa langit. Maging kalmado ka upang hindi ka maapektuhan ng mga negatibong enerhiya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-8-17-23-32-41.

CANCER (June 21-July 22) – Ngayon darating ang sunud-sunod na biyaya at pagpapala ng langit. Lakasan mo ang iyong loob, at ipatupad mo agad ang iyong mga binabalak. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-20-25-29-34-40.

LEO (July 23-Aug. 22) – Sisikat ang isang maliwanag na bituin sa iyong buhay. Ibig sabihin, maraming magagandang kapalaran ang ‘di mo inaasahang darating. Lagi kang magpasalamat sa itaas, upang patuloy kang makatanggap ng mga biyaya. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-10-19-22-28-37.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Huwag mong itigil ang kabutihang ginagawa mo sa iyong kapwa, kahit na mayroong problema at sagabal. Kung mayroon kang materyal na bagay, talent o anumang resources na makakatulong sa kanila, ‘wag ka na mag-alinlangan pa! Tulungan mo na sila! At makikita mo, lalo kang pagpapalain ng langit. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-14-19-26-32-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Tuwing nagsisikap ka para bang hindi tumutugma sa iyo ang nangyayari. Pero, kapag pa-easy-easy ka lang, mas maraming suwerte ang napapasaiyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-24-27-33-40-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21)  Masasayang kuwento ang ibahagi mo sa mga kasama mo sa bahay. Mas maganda itong pag-usapan kaysa sa mga palpak na pamamalakad ng mga nasa pamahalaan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-9-18-27-36-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – May malaking halaga na biglang darating sa iyo. Kahit malapit na ang pasko, mas mainam pa rin na matuto kang magtipid. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-5-21-27-33-39-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Aliwin mo ang iyong mga kasama sa bahay sa pamamagitan ng pagkukuwento ng ilan sa mga mahal mo na naging bahagi ng iyong nakaraan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-17-26-35-40-44.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Ngayon mo patunayan na ang pamilya ay isa pala sa mahalagang sangkap ng tinatawag nilang “success o tagumpay”. Alagaan mo ang iyong pamilya anuman ang mangyari. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-13-22-31-40-45.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – May maliwanag na bituin ang sisikat sa langit. Ibig sabihin, ang mga pangarap at pinaplano mo dati na hindi matupad-tupad, isa-isa na magkakatotoo ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-11-23-34-39-40.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.