26 C
Manila
Sunday, March 3, 2024

Online Horoscope Pebrero 7, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ngayon na ang araw na pinakamaganda dahil magpapasya na ang nasa itaas. Ang napagpasyahan, ibibigay na sa iyo ang lahat ng maluluho at matataas mong mga pangarap. Kaya ihanda ang iyong sarili, lalo na ang iyong kalusugan at wag masyadong maging excited.  Mapalad na kulay ang dark green. Masuwerteng numero  5, 18, 23, 28, 35, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  ) Palinaw na ng palinaw ang bolang kristal. Yong mga dating lungkot at kabiguan ay isa-isa ng lumilisan. Lumilisan ang mga negatibong puwersa, pumapalit naman ang mga positibong pangyayari na may kaugnayan sa pag-ibig at salapi. Ibig sabihin, susuwertehin ka na habang papalapit na ng papalapit ang araw ng mga puso. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  1, 18,  24, 27,  37, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Hindi ka dapat sumalungat sa takbo ng mga pangyayari sa araw na ito. Tularan mo ang alon, umayon ka lang ng umayon. Kapag ganyan ka, makikita mo, aayon din sa iyong kagustuhan ang suwerte at magangandang kapalaran. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 8, 19, 25, 33, 37, 42.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ito ang araw na dapat mo ng harapin ang bagong kabanata ng iyong buhay. Hindi ka isinilang upang malungkot, upang maghirap at upang utusan. Ito ang araw ng ligaya, ito ang araw ng pag-unlad at malapit na malapit na ring dumating ang araw na ikaw na ang mag-uutos. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 9, 7, 11, 25, 36, 41.  

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Ito ang araw na papalitan ng langit ang lahat ng luma. Kaya nga, unti-unti ng nagbabago ang lahat sa iyong kapalaran. Bago at paganda ng paganda ang susunod na pagsikat ng araw sa umaga, kaya ang panahong ito sa iyong buhay ay tatawaging,  “pagbabago at pagpapaganda!” Kaya kung dati ka ng maganda, mas maganda, kung lalo ka pang magpapaganda.  Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero  7, 16, 27, 34, 40, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Sa iyo ang araw na ito, kaya maniwala ka sa sarili mo at magagawa mo ang anumang gusto mo. Habang naniniwala ka sa sarili mo, maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa iyo.  Mapalad na kulay ang old rose.  Masuwerteng numero 2, 12, 18, 32, 40, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Kahit hindi mo galingan ayos lang, dahil ginalingan ng langit ang araw na ito para sa ‘yo. Kaya magagaling na mga pangyayari rin at malalaking suwerte ang darating sa iyo. Mapalad ang kulay na apple green. Masuwerteng numero 5, 10, 22, 37, 41, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Papabilog na ng papabilog at lalong tumitindi ang liwanag ng buwan sa langit sa panahong ito, kaya malakas ang suwerte at gayuma mo. Mag-alok ka ng mag-alok at hindi ka magagawang tanggihan ng sinumang lalapitan mo. Kung sakaling tanggihan ka nila, mamalasin sila at ikaw naman ay patuloy na susuwertehin.  Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 2, 18, 25, 35, 43, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Inaakala ng mga lihim mong kalaban na susuko ka na at tatahimik ka na lang. Ngunit ang hindi nila alam, likas kang suwerte at laging nagtatamo ng mamagandang kapalaran. Kaya ang mangyayari, mamamangha ang mga taong dati ng naiinggit sa iyo, ang taas-taas mo na habang sila ay lalo pang binababa ng kapalaran. Mapalad na kulay ang  gold. Masuwerteng numero 8, 10, 13, 28, 34, 40.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Matagal na nagtiis at naghirap ang iba pero hindi makamit ang kanilang inaasam. Hindi sila pinapaboran ng langit. Pero ang sa iyo ay kakaiba sa anumang pangyayari sa iyong buhay, lagi kang pinapaboran ng magandang kapalaran. Kaya naman silang lihim na naiingit sa yo ay mangha-mangha sa mga nangyayari.  Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero 7, 15, 25, 27, 33, 42.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Namamangha at humahanga sa iyo ang nasa itaas, dahil ikaw na gipit ay nagagawa mo pang tumulong sa nangangailangan. Dahil dito, gagantimpalaan ka ng langit ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran sa susunod na mga araw. Marami ang namamangha at humaha. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 8, 14, 25, 35, 41, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Sa pakikipagdebate walang nanalo. Pareho lang kayong talo dahil pareho lang kayong hindi tatatanggap ng katuwiran. Iwasan ito at sa halip, magpasensya ka at magparaya. Kapag ganyan ka, hindi masasayang ang iyong enerhiya at oras na magiging daan, upang lalo ka pang suwertehin at magtagumpay sa anumang iyong  ginagawa sa ngayon.  Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero   1,  9, 17, 23 32,

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.