28.3 C
Manila
Thursday, July 25, 2024

Online Horoscope Pebrero 6, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Malakas ang iyong enerhiya at lalo pang lumalakas. Kaya naman ngayon pa lang ay naglalabasan na ang mga suwerte na noon pa ay nasa iyong katawan na. Mamamangha ang lahat sa nakagugulat at magagandang kapalarang mahihigop ng nag-aapoy mong personalidad.  Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero   1,  9, 17, 20, 37, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Oo mahalaga ang salapi pero hindi mo ipagpapalit sa mga ito ang kalinisan ng iyong pagkatao, mamamali at mapapahiya ang sinumang susubok sa iyo. Sapagkat noon pa, itinakda ka na ng langit na habang gumagawa ng kabutihan, lalong tatalas ang iyong suwerte at kakaibang kapangyarihan.  Mapalad na kulay ang dark green. Masuwerteng numero  5, 10, 23, 28, 35, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Kapansin-pansin ang kaharutan mo at pagiging palabiro ngayon! Isang malinaw na palatandaan na ang mga suwerte ay nagdaratingan na   sa iyong kapalaran.  Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 8, 19, 25, 29, 37, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Tulad ng malaking buwan, darating na sa kapalaran mo ang magagandang kapalaran. Ito ang araw na unti-unti ng lalaki ng lalaki ang buwan ng suwerte sa iyong karanasan. Darating ang mga pangyayaring tulad ng tubig, lulunod sa iyong pagkatao dahil sa walang kapantay na kaligayahang iyong madarama sa susunod na mga araw. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero  4, 17, 27, 38, 41, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Nagbabala ang araw na ito na malalasing ka sa mga masasayang pangyayari. Ilagay mo sa iyong isip na ang kasalukuyan ay pansamantala lamang at hindi puwedeng pang habang buhay. Lagi mong isipin ang future upang maging maligaya ka sa panahon ng pagtanda. Mapalad na kulay ang  gold. Masuwerteng numero 8, 14, 19, 28, 34, 41.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ito ang araw na tatalunin na ng saya ang mga iniinda mong kalungkutan. Kasabay nito, lilisanin ka na rin ng kamalaasan, upang magdatingan ang ibat-ibang uri ng  ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na apple green. Masuwerteng numero 1, 10, 22, 37, 40, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Hinahanap mo ba ang taong magbibigay sa iyo ng magandang kapalaran? Wag ng mag-aksaya pa ng oras dahil ikaw mismo ay may kakayahang pagyamanin ang iyong sarili. Habang pinayayaman mo ang iyong sarili, tutulong ang langit upang mabilis itong matupad. Magsimla ka na ngayon!  Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 2, 7,  11, 25, 29, 41.  

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Upang magpatuloy ang suwerte, mas mainam kung sa panahong ito ay maging mapagparaya ka kapag naaargabyado ka ay wag kang gaganti. Magtiwala ka na ang langit ang mismong kikilos laban sa mga taong gagawa sa iyo ng hindi maganda. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  3, 12, 21, 30, 33, 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Napakataas ng level ng kumpiyansa mo sa iyong sarili sa araw na ito. Kaya anuman ang iyong gusto, walang pag-aalinlangang mapapasa kamay mo ang lahat ng ito. Mapalad na kulay ang old rose.  Masuwerteng numero 2, 11, 25, 32, 40, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Maaakit ka ngayon sa panlabas na kagandahan. Huli na bago mo maalala na ang mas mahalaga pala ay ang magandang ugali at mas mataas na dignidad at ang mabuting kaasalan. Mapalad na kulay ang lilac.  Masuwerteng numero 1, 4, 19, 26, 37, 42.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Mababawasan ang mga suwerte mo pero hindi naman nangangahulugan ito na ikaw ay mamalasin. Nagkataon lang na ngayon ay pahihiramin mo ng suwerte ang mga taong malalapit sa iyo. Mag-ingat, baka pati pera ay hiraman ka. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 6, 18, 27, 35, 39, 42.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Nakita ng langit ang kabutihan ng loob na matagal mo ng ginagawa sa iyong kapwa. Kaya ito ang araw na gagantimpalaan ka ng langit, kahit na wala kang gaanong pagkilos, darating ng darating ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero 7, 18, 25, 27, 31, 42.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.