26.5 C
Manila
Thursday, February 29, 2024

Online Horoscope Pebrero 4, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ihuhulog ng langit sa harapan mo ang isang oportunidad na magbibigay sa iyo ng asensadong buhay. ‘Wag ng mag-alinlangan, sunggaban mo agad, dahil ito na ang magiging pinaka masuwerte mong taon. Mapalad na kulay ang peach. Masuwerteng numero  6, 12, 24, 35, 40, 44.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Kapag hindi ka maunawaan ng ilang mahal mo sa buhay, wag ka na lang kumibo ng hindi na lumala ang sitwasyon. Sa iyong pananahimik, sila na mismo ang makakatuklas ng kanilang pagkakamali. Mapalad na kulay ang beige.  Masuwerteng numero 3, 15, 27, 39, 41, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) ) Ito ang araw na mas mainit ang pagmamahal mo kaysa sa sikat ng araw. Dahil sa sobrang tuwa ng mahal mo at sobrang tiwala, kahit ano ay puwede mong hilingin sa kanya at ito ay agad niyang ipagkakaloob sa iyo. Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero  5, 14,  18, 22, 27,  35.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Wag kang mangako, dahil ang bukas ay hindi ipinapangako sa araw na ito. Sa halip, simulan mo ang araw na ito na may katapatan sa iyong puso at simulan mo ang mga pagbabagong noon mo pa balak ipatupad. Kapag nasimulan mo ang pagbabago at pagkilos, at naalis mo ang takot at pangamba sa iyong puso, sa buong taong ito ng 2024, magsisimula ng magbalikan sa iyo ang suwerte at magagandang kapalaran dati mo ng tinatamasa. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 2, 13, 22, 25, 31, 44. 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Magdaratingan sa buhay mo ngayon ang mga bagong kaibigan pero marami sa kanila ay plastic at inggetera, kilalanin at iwasan mo agad sila, dahil sisiraan ka lang nila ng lihim. Maghanap ka ng kaibigang dapat at maasahan, sila ang magbibigay sa iyo ng suwerte at magandang kapalaran sa buong taong ito ng 2024. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero  1, 10, 19, 28, 34, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Anuman ang pinagsisintir mo sa ngayon, tigilan mo na. Alisin mo mula ngayon ang hinanakit at galit sa iyong dibdib dahil ikaw ay isinilang ng dahil sa pag-ibig. Gaganda ang kapalaran mo at lalo ka pang susuwertehin kapag nabuhay ka ng nagpapatawad at laging nagmamahal. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero   1,  5, 13, 20, 37, 43.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Babaguhin ng mahal mo ang kanyang sarili upang kanyang mapatunayan na mahalaga ka sa kanya at hindi ka puwedeng mawala sa kanyang tabi. Mapalad na kulay ang  purple. Masuwerteng numero  6, 16, 22, 24, 35, 40.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Dapat na maging listo ka sa araw na ito. Kapag nahalata mong niloloko ka, wag kang maging dakilang tanga. Layuan mo na kahit pa siya ay mahal mo. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 2, 7, 16, 29, 34, 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Makakabangga mo ang malalaking mga tao at ang mga may sinasabi. Ang tunay na dahilan ay sa kanila ka kabilang. Kaya nga walang pagdududa na magkakaroon ka rin ng malalaking tagumpay sa buhay at ito ay magsisimula na ngayong taong ito ng Metal Ox. Mapalad ang kulay na magenta. Masuwerteng numero 3, 8, 18, 24, 33, 44.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Mahalin mo ang kaaway mo at ang mga taong nakakasamaan mo ng loob, dahil kapag ginawa mo yan, mamahalin ka rin ng nasa itaas at gagantimpalaan ka ng suwerte at magagandang kapalaran ng langit. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  4, 7, 11, 16, 25, 34.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Ibinilang ang iyog pangalan sa mga tatanggap ng malaki at magagandang kapalaran kaya kahit anupa ang mangyari, ipanatag mo ang iyong kalooban, dahil tiyak na ito ay darating na at iyong matatanggap. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero  1, 8, 19, 26, 28, 41.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Tagapamagitan at karamay! Ito ngayon ang iyong papel sa mundo. Ikaw ang pinili ng langit dahil sa kalinisan ng iyong kalooban, dahil likas kang maawain at matulungin. Ang katangian mo ring ito, ang magdadala sa iyo ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran sa buong taong ito ng 2024. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 2, 11, 19, 25, 37, 42.  

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.