33.9 C
Manila
Monday, April 22, 2024

Online Horoscope Pebrero 29, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Nasa mataas na level ang iyong likas na gayuma. At upang mapatunayan mo, ikaw ay hinahamon ng makipagkita sa iyong kursunada. Isa lang ang magiging resulta, mai-in-love siya sa iyo. Mapalad na ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 15, 19, 29, 37, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Hindi ka nakahanda sa biglang pagbabago ng iyong kapalaran. Ganon paman, handa ka man o hindi ka man handa, babaguhi na ng langit ang iyong kapalaran sa taong ito ng 2024. Tatanggap ka ng maraming suwerte at magandang kapalaran,  kaya ang araw na ito ay tatawaging:  “Pagbabagong buhay!” Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 4, 10, 28, 33, 39, 40. 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Malulutas ang mga suliranin sa pagtutulungan. Pero nagugulo ang sitwasyon kapag marami ang nakikialam. Umpisahan mo ng maging lider ka ng inyong grupo nang sa ganon ay maayos ang takbo ng proyekto. Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 6, 18,  23, 39, 42, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Dininig ng langit ang iyong mga panalangin para sa pagbabago ng iyong mahal sa buhay. Ikaw na mismo ang makikinabang  at makakapansin na siya ay iba kaysa sa dati. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  5,  15,  20, 22,  31, 43. 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Pakinggan mo ang mga suhestiyon ng ilang malalapit sa iyo. Ang payo nila ay makatutulong sa iyo upang lalo pang umangat ang iyong kabuhayan hanggang sa tuloy-tuloy ka ng umasenso at yumaman. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 4, 10, 24,  34,  40, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Lihim kang matutuwa dahil ang isang tao na noon mo pa pinagdarasal na magbago ay magbabago na. Tuloy-tuloy ng hihipuin ng langit ang kanyang puso, upang tuluyan na rin siyang bumuti  at tumino. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 2, 11, 25, 29, 31, 38.  

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23)  Masyadong malakas ang iyong likas na kapangyarihan. Kaya naman lahat ng hangarin at gustuhin mo ay mapapa sa iyo. Itutok mo ang iyong sarili sa pagpapaunlad ng kabuhayan upang ang iyong kapangyarihan ay lubos mong mapakinabangan.  Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 9, 15, 27, 36, 39, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Biglaang pagbabago ng takbo ng buhay ang ibinabalita ng araw na ito. ‘Wag kang mag-alala, ang pagbabago ay para sa ikagaganda ng iyong kapalaran. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 5, 12, 26, 32, 41, 43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Muling matatala sa iyong aklat ng kapalaran na masuwerte ka sa araw na ito. Sobrang kang sasaya, kaya makakalimutan mo na ang iyong pangako sa sarili na mag-iipon ka para sa hinaharap.  Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  2, 8, 11, 21, 36, 41, 44.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Ikaw ang kanlungan ng mga nananamlay. Ikaw din ang sandalan ng mga bigo sa buhay. Sa iyo rin lumalapit ang mga  sawi sa pag-ibig.  Yakapin mo sila pero wag iibigin. Kapag hindi ka nakinig, tulad nila ikaw din ay mangungulila.  Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  1, 14, 29, 37, 41, 45.    

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kung magagawa mo, mamasyal ka sa lugar na kung saan, iyong naraanasang sumaya at pagkatapos ay mamili, kumain at mag-shopping ka, upang ang mga problema mo ay iyong matalo. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 9, 18, 24, 34, 42, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Kahit ikaw ay magugulat sa sarili mo. Hahanapin mo ang masayahing ikaw pero hindi mo siya makikita. Hindi na ikaw ang dating masaya dahil kinukubabawan ka ng problema. Ngunit ang lahat ng ito ay pansamantala lamang. Hahawiin ng langit ang iyong mga suliranin, upang ngayong panahong ito ng tag-araw, muli na namang bumalik ang dati ikaw na masaya. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  2, 13, 25, 29, 38, 44.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.