25.9 C
Manila
Tuesday, October 22, 2024

Online Horoscope Pebrero 26, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Oo medyo nakukulangan ka pa sa mga biyayang natatanggap mo at alam yan ng nasa itaas. Kaya naman magmamadaling kikilos ang langit at magdadagsaan ang suwerte at magagandang kapalarang darating sa iyo sa susunod na mga araw. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  7,  10,  20, 25,  35, 43. 

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Nagdaratingan na ang maraming magagandang kapalaran na tanging laan sa iyo. Wag mong sasayangin. Pahalagahan mo at ingatan. Para sa iyo ang mga ito at hindi para sa ibang tao. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  1, 8, 10, 18, 36, 42, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Iyong iba ay sinusubok kaya kaunting problema lang ay madaling sumusuko at nabubuwal. Pero ang sa iyo ay kakaiba, habang sinusubok ka ng langit, lalo ka namang tumatatag at tumatapang. Ang isa pang magandang balita, ang lahat ng pagsubok ng darating sa iyong buhay ay magiging magandang oportinidad upang lalo pang gumanda ng gumanda ang iyong kapalaran.  Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  5, 11, 23, 36, 41, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Minsan pa muli mong ilabas ang lakas ng iyong loob. Gamitin ang lakas ng loob na ito at makakaasa ka na ang malaking tagumpay na noon mo pa gustong-gusto makamit ay ipagkakaloob na sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  9, 18, 26, 37, 41, 44.   

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Nagbabalak kang ibagsak ng mga naiingit sa iyo at ng mga nakaka-intrigahan mo. Ngunit dahil mabagsik ang iyong kapangyarihan sa ngayon, sila na nagbabalak ng masama sa iyo ang ibabagsak ng langit – sila ang mapapahamak at malalagay sa sobrang kahihiyan.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 3, 6, 15, 27,  32,  42, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Pahalagahan mo ang mga munting tulong na iyong natatanggap. Ganon din ang mga biyayang dumarating sa iyo kahit anupa ito. Habang pinapahalagahan mo ang lahat ng bagay at tanggap lang ng tanggap ng may pasasalamat, darami iyan ng darami, hanggang sa maging isang dambuhala at napakalaking suwerte.  Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 7,  16,  22, 34, 41, 44.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23)  Iihip ang hanging habagat dadampi sa iyong pisngi. Biglang magbabago ang iyong pakiramdam. Kung ano ang mga pinapangarap mo ay isa-isang magkakaroon ng katuparan. Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 2, 17,  32, 35, 40, 43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Mapaparam at mawawala na ang mga hinanakit mo at mapapalitan ng labis na kagalakan sa sandaling dumating na ang malalaking suwerte na regalo sa iyo ng langit. Basta maging madasalin ka at alisin ang galit at pagmamaktol sa iyong puso at isipan. Ang regalong ito ng langit ay agad mong matatanggap. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  1, 19, 25, 37, 42, 45.    

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Inuutasan ka ngayon ng iyong kapalaran na lasapin ang mga suwerteng nasa sa iyo na. Ibig sabihn, kahit panandalian lang ay namnamin mo ang lasa ng masarap mong buhay. Gawin mo ang isang bagay na nagpapasaya sa yo – mag-shopping o kaya’y mamasyal kung saan-saan. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 3, 12, 27, 30, 35, 42.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Matatag na pagkatao ang regalo sa iyo ng langit. Gamitin mo ito sa bawat hamon ng kapalaran. Makaaasa ka na susuko sa iyo ang lahat ng pagsubok at mga problema. At dahil susuko sa harapan mo ang mga problema, sa dakong huli malaking pagwawagi ang iyon maiuuwi at mahahawakan.  Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 5, 17, 26, 28, 31, 35.  

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Babantayan ka ngayon ng mga anghel sa langit. Hindi ka maaano kahit na magsilabasan pa ang mga lantad at lihim mong kaaway. At dahil binabantayan ka ng iyong “anghel dela guwardiya” anumang kailangang-kailangan mo ang hilingin mo ay tiyak na magkakatotoo. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 8, 13, 22, 34, 42, 45.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Nagsisimula muna sa ambon ang ulan bago tuluyang lumakas ng todo. Ganon din ang iyong suwerte, paisa-isang patak muna, pero habang nagtatagal, dadami na ng darami hanggang sa bumuhos ng husto ang suwerte at magandang kapalaran sa iyong buhay. Mapalad na ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 3, 9, 15, 29, 37, 43.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.