28.5 C
Manila
Wednesday, July 24, 2024

Online Horoscope Pebrero 24, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Kung ano ang gusto mong gawin, gawin mo. Hindi ka pupuwedeng patuloy na nabubuhay ng dahil sa mga kagustuhan ng ibang tao. Isinilang ka, para ikaw ang masunod. Oo, isinilang ka upang ikaw ang mamuno at isinilang ka upang ikaw ang mag-utos. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  3, 9, 27, 37, 41, 42.   

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Kapag lumambot ang tsokolate  ito ay natutunaw. Hindi dapat lumambot ang iyong desisyon. Kung ano ang noon mo pa pangarap at gustong gawin, gawin mo agad kahit na may kumokontra. Dumating na ang araw na ipagkakaloob sa iyo ng langit ang iyong tagumpay.  Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 1, 18,  29, 32, 40, 43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Hindi payo ang iyong kailangan! Hindi mo rin kailangan ang kaibigan! At lalong hindi mo rin kailangan ang kalinga! Kung ganon, ano talaga ang iyong kailangan? Pera! Ito ang magbibigay sa iyo ng tunay na saya at tagumpay. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero  4, 17, 24, 36, 40, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Hindi lang ganda ang taglay ng isang bulaklak, bagkus may nektar pa sa loob ng kanyang talulot. Ganon din ang kapangyarihan mo ngayon, hindi lang ganda, bagkus may mabuti kang ugali at busilak na puso. Ito ang propteksyon mo kung bakit hindi ka tinatablan ng kamalasan. Ang lahat ng naiingit sa iyo at mga naninira, ang silang mamalasin.  Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 4, 15, 24, 29, 34, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Hindi ka pupuwedeng mamalagi na lang sa loob ng bahay. Hindi ganyang buhay ang dinisenyo sa iyo ng tadhana. Puntahan mo ang isang kaibigan, siya ang magbibigay sa iyo ng bagong sigla, ng buenas at ng magandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 5, 14, 27, 28, 32, 44.  

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Lumalaki at lumiliit ang tubig sa ilog, lumalaki at lumiliit din ang buwan sa langit. Hindi puwedeng puro malaki, dapat nagbabawas din. Lingapin mo ngayon ang mga taong naghihirap, yong mga walang tumutulong at sobrang nangangailangan. Tulungan mo sila, matapos mong tumulong,  bubuenasin ka. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  3, 12, 15, 34, 39, 42.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Gagana ang isang pormula sa araw na ito kung paano ka makakaakit ng mas maraming suwerte at magandang kapalaran. Ito ay sa pamamagitan ng pakikipag-usap. Habang nakikipag-usap ka titigan mo sa pagitan ng dalawang mata ang iyong kaharap  at ibulong ang katagang: “Mapapasunod kita!”  Anuman ang hilingin mo sa kanya ay tiyak na ipagkakaloob niya ito sa iyo. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 1, 14, 28, 32, 42, 45. 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Hindi sapat ang salapi sa pagpapatatag ng relasyon. Kailangan din ng lambing, caress at pagmamahal. Gawin mo ito sa kanya ngayon, bago siya makahalatang lagi mo siyang dinodominahan at pinangungunahan. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 6, 18,  23, 33, 42, 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  May mga taong sinusuwerte kahit walang ginagawa. Mangyayari  rin sana sa iyo ito, kaya lang likas kang masipag, at hindi sa iyo puwede ang walang ginagawa.  Kaya naman, iyong ibang sinusuwerte ng walang ginagawa, maliit lang ang suwerte nila,  ang sa iyo ay sobrang laki at dambuhala talaga. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  8, 13, 24, 37, 41, 45.    

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Ikaw ang takbuhan ng mga taong nangangailangan, hindi mo sila dapat na tanggihan. Dahil sa bawat maliliit na tulong na iyong ipagkakaloob sa mga lumalapit sa iyo, malalaking gantimpala naman at biyaya mula sa langit ang sa iyo ay ipagkakaloob. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero 5, 14, 23,  27,  39, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kapag nanariwa ang mga halaman, may mga dahong uusbong pero may mga dahon ding mahuhulog. Ganyan din ang mangyayari. May mga suliraning darating, pero masosolusyunan mo agad, at pagkatapos ng mga balakid at suliranin, puro suwerte at magagandang kapalaran na ang uusbong at maguuna-unahang dumating. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero  1, 10, 16, 25, 34, 40.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Iniisip mong mamili at magshopping na naman, ang problema, iniisip mo rin kung saan, kukuha ng pera. Wag kang mag-alala, may lihim na nanonood sa  mga iniisip mo. Sa malapit na hinaharap, kikilos ang langit.  Bigla kang makakatanggap ng malaking halaga ng salapi, sapat upang mawala na ang mga agam-agam at hanggang sa tuluyang mabili mo na ang mga bagay na gusto mong bilhin. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  4, 10,  21, 31,  33, 44. 

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.