30.2 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Online Horoscope Pebrero 22, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ang mataas ay dapat na inaabot. Matataas ang mga pangarap mo, kaya dapat na ito ay abutin mo. Kung hindi mo gagawin at iaasa mo lang sa iba kung ano ang darating walang mangyayari. Abutin mo na ngayon ang matataas mong mga pangarap, dahil ito ay maluwag na ipagkakaloob sa iyo ng langit ngayon. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 9, 18, 27, 38, 41, 44.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Hindi mo na dapat pang balikan ang nakaraan. Nakakaabala lang ito upang ikaw ay sumulong at umunlad sa kasalukuyan. Isulat mo sa malinis na kuwaderno ang mga bagay na gusto mong mangyari at maabot. Makikita mo, makakamit mo ito ngayon ng kusa at walang kahirap-hirap. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 8, 16, 37,  39,  40, 43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Kung ang sa iba ay pabago-bago ang lagay ng mga pangyayari, ang sa iyo ay tuloy pa rin ang dating ng suwerte at magandang kapalaran. May kundisyon lang, gawin mo pa rin ang dati ng mga pagtulong sa mga mahihirap at ang debosyon mong pang-ispiritwal.  Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 6, 12, 26, 31, 32, 43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ngayon ka pa ba panghihinaan ng loob,  samantalang nakikita mo na ang aliwalas na future? Tama, halos abot-kamay mo na ang tagumpay, kaya anuman ang dati ng naiiisip mo, ipatupad mo na lang ng ipatupad ng walang pag-aalinlangan. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 9, 18, 22, 34, 37, 41.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Isa-isa ng namumunga ang mga pinunlan mong sipag at tiyaga. Ang kulang na lang sa iyo ay ang sinop at ipon. Kapag may sinop at ipon ka na, kusa ng matutupad ang sa iyo ay itinadhana – yayaman ka! Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  4, 13, 24, 36, 39, 42.    

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ang iba ay sobrang pagod para kumita ng malaking halaga. Ang sa iyo ay kakaiba, konting pagod lang at maraming saya, pero kikita ka pa rin ng malaking kita. At ang mabuting balita, sa panahon ngayon isa-isa na namang nagdaratingnan ang mga taong magibigay sa iyo ng suwerte at kakaibang saya. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 3, 15, 25, 34, 42, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Matayog ang iyong pangarap, nasasayang lang dahil ayaw mong lakasan ang iyong loob. Ito ang araw na bibigyan ka ng langit ng kakaibang sigla upang magawa mo ang mga bagay na noon mo pa gustong-gustong gawin. Gawin mo na, wag kang matakot ang nasa itaas ang aalalay at gagagabay sa iyo. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  1,  19 , 24,  27, 33, 45.   

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Hindi ang mahal mo ang dapat na masunod kundi ikaw. Ipaliwanag mo sa kanya na higit kang suwerte at kinalulugdan ng langit, kaya wala siyang  karapatang kumontra. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero  6, 12, 18, 33, 42, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Wala kang magagawa ngayon, di kayang pigilan ang mga paa mo na lumabas ng bahay at ang kanyang pupuntahan ay ang lugar na kung saan ka magiging masaya, dahil sa pamimili at sa iba’t-ibang uri ng masasarap na pagkain. Mapalad na kulay ang red.  Masuwerteng numero 7, 16, 23, 32, 38, 41.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Marami at hindi lang iisa ang suwerteng darating. Kung may sosobra at hindi mo naman magagamit pa sa ngayon, ipamahagi mo ito sa mga kakilala mong nalulungkot, namumroblema at sa mga wala ng maaasahan sa buhay. Kapag ganyan ka habang patuloy ang pag-ulan, hindi ka mauubusan ng suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 5,  14, 24,  33, 42, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Hindi ka dapat matakot at malungkot sa mga suliraning dumarating. Harapin mo lang ng harapin, dahil pagnatapos ang lahat ng ito, umasa kang mas malaking suwerte at mas malaking premyo na hindi mo inaasahan ang ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 1, 22, 26, 32, 41, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Hindi masosolusyunan ng pagdadalawang isip mo ang problema. Magpasya ka na ngayon ng mabilis at makikita mo, mabilis din ang magiging resulta, magtatagumpay ka at may bonus pang malaking suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  5, 17, 24, 28, 37, 43.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.