30.2 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Online Horoscope Pebrero 21, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Kung ang iba ay naghihintay ng himala, pero nainip na sila ng kahihintay ay wala pa ring nangyayaring milagro ang sa iyong karanasan ay kakaiba. Hindi ka naman naghihintay ng himala, mamamangha ang mga nanood sa iyo at pati na rin ang sarili mo, sa isang idlap maraming mala-himalang suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa iyo. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  4, 10,  22, 29,  31, 40. 

TAURUS (April 20 – Mayo 20)  Hindi ka dapat magdalawang isip at hindi ka rin dapat mag-alinlangan. Ituloy mo ang iyong binabalak. Dahil nagpasya na ang langit, aayon sa iyo ang kapalaran. Ang lahat ng binabalak mo ay matutupad at ito ay magbibigay sa yo ng dagdag pang mga suwerte at kaligayahan.  Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 5, 14,  23, 32, 40, 43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Huwag papayag na kubabawan ka ng lungkot. Dahil hindi maganda sa kapalaran mo ang malungkot ganon din sa iyong kalusugan. Ito ang araw upang mag-isip ka ng isang gawaing magpapasaya sa isip at sa damdamin mo. Kapag lagi kang masaya, darating na ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero  1, 4, 17, 28, 31, 40.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Yong iba dahil sa sobrang kabaitan ay nauuto at sinasamantala ng maaangas. Pero ang sa iyo ay hindi ganon, sa halip, dahil sa sobrang bait mo at may mabuting kalooban, marami ang tutulong at maniniwala sa iyo. Ang mga taong ito na naniniwala sa iyo,  ang sila ring  magbibgay  sa iyo ng malaking suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero  7, 10,  25, 34, 40, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Akala mo ba ay nauubos ang suwerte? Hindi kaya! Ang suwerte at magandang kapalaran ay nandyan lang sa tabi-tabi. Maligo ka, magsuot ng damit na maganda at masarap sa pakiramdam, at magpahid ng konting lipstick. Kapag nagawa mo yan, ang suwerte ay muli na namang mag-uuna-unahang dumapo sa iyong katawan.  Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  6, 12, 24, 27, 39, 42.   

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Nagiging sobrang malalim ang iyong mga iniisip.  Hindi ka dapat maging ganyan, dahil baka mahulog ka na naman sa kumunoy ng mabibigat na problema.  Ang mas mabuting mong gawin ay maging madasalin ka at umattend ng mga religious activities. Kapag ganyan ka,  masasagap at mahihigop mo na ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  5, 13, 28, 36, 41, 45.    

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23)  Magkakasunod-sunod ang pagdapo ng suwerte sa iyong katawan. Ingatan mo at pahalagahan ang mga biyayang ito. Dahil kung paano mo iniingatan at pinapahalagahan ang suwerteng iyong natatanggap, patuloy itong lalago at darami pa ng darami sa iyong harapan. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  6, 12, 24, 29, 39, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Huwag kang magalit sa araw na ito, dahil ang ilang malalaking suwerte na nasa iyong tabi, kapag nagalit ka ay lalayo. Handang-handa naman itong pumasok sa iyong pagkatao at sa inyong pamilya, kung magkakaroon ka sa araw ng ito ng mapagmahal at masayang personalidad.  Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 5, 18, 26, 29, 33, 40.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Hindi lahat ng pinapanukala at binabalak ng mga tao ay nagkakatotoo.  Pero ang sa iyo ay kakaiba, magkakatotoo at matutupad lahat ng mga plinaplano mo, lalo na ang balak mong mag-shopping at mamili na ng mga personal mong pangangailangan.  Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 3, 11, 21, 28, 34, 43.  

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) Humanda ka dahil sa araw na ito, ikaw ang magpapasaya sa mga malalapit sa iyong puso kahit na ikaw ay nasa malayo. Alam nilang maasahan ka at hindi mo sila pababayaan. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 25, 38, 41, 44.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) Bawasan ang iyong pakikipagkaibigan. Kapansin-pansing hindi nagiging tapat sa iyo ang iba at kapag nakatalikod ka ay sinisiraan ka nila. Hindi bale ng konti ang kaibigan, bata’t maaasahan. Kaysa naman marami ka ngang kaibigan, na sila pa ang sa iyo ay madalas manloko  at manlamang. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero 7, 11, 25,  38,  41, 45.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Pinakinggan ng langit ang iyong dalangin at ang iyong kahilingan. Kaya naman humanda ka, parating na ang suwerte na iyong pinakahihintay-hintay at nagmamadali pa. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero  4, 19, 20, 32, 35, 44.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.