30.2 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Online Horoscope Pebrero 19, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Bago mo isuot ang alahas sa iyong katawan, hawak-hawakan mo muna ito sa iyong palad na medyo matagal at pagmasdan-masdan. Ibulong sa alahas ang ganito: “Kapag sinuot kita, darating sa buhay ko ang suwerte at magagandang kapalaran.”  Gawin mo ng magdagsaan na sa buhay mo ang suwerte at kakaibang buenas. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 3, 9, 19, 33, 41, 42. 

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Marami ang mag-aakalang mahina ang loob mo. At dahil ang mga akala ay kadalasang mali, sila ay mapapahiya dahil sa araw na ito ay magiging malakas ang loob mo. Anumang balakin at gawin mo ay magtatagumpay, kaya naman magugulat sila sa kakaibang suwerte at magandang kapalaran mapupunta sa iyo. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 5, 11, 25, 28, 34, 43.  

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Sa araw na ito magkakaroon ng magic ang pakikipag-usap mo sa iyog mga kaibigan. Magmumula sa mga malalapit mong kaibigan ang iyong buwenas.  Habang nakikipagkuwentuhan ka, hindi sinasadyang malilipat sa iyo ang suwerte at magandang kapalaran ng iyong kausap. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  3, 18, 25,  38,  42, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Pinapakinggan mo kasi ang mga negatibong sinasabi ng iyong kapwa kaya naiinis ka ng husto at gusto mo ng marahas na pagbabago. Bakit mo pa sila pakikinggan? Hindi mo dapat problemahin ang mga bagay na wala namang direktang kaugnayan sa pangarap na nais mong makamit. Ituloy mo lang ang iyong ginagawa at wag mo silang intindihin. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero  6, 15, 20, 27, 39, 40.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Kailangang maging malaya ka sa ngayon. Kaya wag ng magdalawang isip na takasan mo ang buhay na hindi maganda. Kung hindi ka kikilos at gagawa ng hakbang sa ngayon, kailan pa? Lakasan mo ang iyong loob, pinapanood at papatnubayan ka ng langit.  Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 4, 19, 26, 29, 35, 40.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Bago tumubo ang isang buto kailangan munang ibaon ang buto sa ilalim ng lupa at maranasan niya ang madilim na paligid. Ganon din ang  iyong karanasan, kailangan munang mabigo. Ngunit pagkatapos ng kabiguan, tulad ng isang buto magiging halaman ka, lalago at mamumunga ng suwerte at magandang kapalaran ang iyong karanasan.  Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 5, 16,  28, 32, 41, 43.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Kahanga-hanga ang iyong kakaibang galing at husay kaya naman pati ang nasa itaas ay iyong napa-believe. Bukod sa karangalan at mataas na posisyon sa iyo ay ipagkakaloob, pagkakaloban ka pa ng dagdag na suwerte at mas marami pang  magagandang kapalaran ng hindi mo inaasahan.  Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero  6, 18,  25, 31, 40, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Kusang nahuhulog sa sanga ang hinog na hinog ng prutas. Kung hindi ka magiging maagap ang mga suwerte at magagandang kapalarang nakakamit mo sa ngayon, ay maaaring masayang. Wag kang maging pabayan, kailangang pitasin mo na ang iyong mga  pinaghirapan, panahon na ngayon upang mag-invest ka at mag-ipon. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero  3, 12, 23, 32, 35, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Gumala ka, dahil sa iyong paggala matatalisod mo ang suwerte at magandang kapalaran. Puwede ring ang pagalain mo ay ang iyong isipan, upang kumunek  ang iyong diwa sa “mother nature” na siya namang sasagap ng mas marami pang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  8, 14, 22, 29, 34, 39.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Nakalista ang iyong pangalan sa tatanggap ng mga suwerte dahil sa nagawa mong kabutihan sa nagdaang mga araw. Ito  ay bilang katugunan sa hiniling ng ilan mong natulungan na ikaw ay pagpalain ng Maykapal.   Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  8, 12, 24, 27, 36, 44.   

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Tila nakakulong ka ngayon sa isang boteng kristal kaya hindi ka lubusang umuunlad. Kailangan mong makalaya. Sa pangingibang bansa, mababasag ang bote na iyong kinakukulungan. Sa sandaling nakalayo ka na, mas maraming suwerte at magandang kapalaran ang darating sa iyong buhay.  Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 5, 16,  28, 32, 41, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Maraming katanungan ang pumapasok sa iyong isip, pero sa totoo lang ikaw din naman ang sumasagot. Pero may tanong na hindi mo masasagot, ito ay “kung kailan darating ang suwerte at magandang kapalaran?” Ang langit ang sasagot at ang sagot: “Magsisimula na ngayon.” Kaya ang araw na ito ay tatawaging “Simula” na dapat mong sabayan ng pagbabago at pagkilos. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  1, 17, 28, 36, 40, 44.    

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.