29.7 C
Manila
Friday, July 12, 2024

Online Horoscope Pebrero 15, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Patuloy kang hinahangaan at hahanggan pa ng mga nasa paligid mo dahil ang mga hindi nila kaya ay kayang-kayang at walang kahirap-hirap mong nagagawa. Dahil diyan, lalo kang bibigyan ng gantimpala ng nasa itaas, dagdag na suwerte at magagandang kapalaran ang magdaratingan sa iyo sa susunod na mga araw. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  6, 14, 26, 35,  43, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Ituloy mo lang ang iyong pagsisipag at pagsisikap na umunlad para sa iyong pamilya. Oo, wag kang titigil hangga’t hindi nagtatagumpay, dahil ibinabalita ng araw na ito na malapit na malapit ka ng yumaman. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  3,  15,  28,  37, 39, 42.   

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Nagkukunwari kang masaya. Kahit hindi halata ng mga kasama mo. Ikaw na mismo ay nagsasabi na may kulang sa ‘yo. Matatagpuan mo ang iyong tunay na ligaya sa malalayong lugar.  Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 6, 13, 18, 22, 26, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Magulo ang isip mo ngayon dahil ang mga negatibong pananaw ay ayaw kang iwanan. Humingi ka ng payo sa matalik mong kaibigan. Higit sa iyong sarili siya ang tunay na makauunawa sa iyo, tutulungan ka niya at ang kaibigan mo ring ito ang magbibigay sa iyo ng suwerteng hindi mo inaasahan. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 4, 14, 25, 31, 37, 41.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Magsama ka ng isang kaibigan o kaya’y alalay saan ka man magpunta. Dahil sa totoo lang ang iyong lucky charms ay ang iyong mga malalapit na kaibigan at alalay.  Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 4, 16, 28, 34, 41, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Kung ano ang hilig mo, yon na mismo ang magpapayaman sa iyo. Sa araw na ito ay matutuklasan mo na ang mga hilig mo ay puwede pa lang kumita ng malaking halaga at sa hilig mo ring ito ikaw ay magiging maligaya. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 4, 17, 24,  28,  40, 44.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Tutulungan mo at igagawa ng paraan ang problema ng isang kaibigan. Hindi mo kaya na siya ay makitang hirap na hirap sa buhay na wala ng iba pang malalapitan. Wag kang mag-alala, pinapanood ka ng langit, kung saan, dahil sa ugali mong maawain, sa susunod na mga araw, marami pang mga biyaya at pagpapala ang darating sa iyong kapalaran.  Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  1, 17, 28, 39, 41, 43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Abala ka sa maraming bagay pero ang lahat ng ito ay hindi naman para sa iyo kundi sa ibang tao. May babala na sa huli ay mahihirapan ka para sa iyong mga personal na pangangailangan. Kaya dapat habang tumutulong ka, paglaaanan mo rin ang personal mong pangangailangan lalo na sa iyong future. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 2, 13, 25, 35, 40, 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Tumatayo ang tao kapag siya ay nadarapa kaya hindi ka dapat na nanatiling tinatalo ng kalungkutan. Tumayo ka, lakasan mo ang iyong loob at harapin mo ang bagong umaga na paparating na sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero  3, 19, 22, 26, 37, 42.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Malaki ang magiging pagbabago sa buhay mo mula ngayon. Ikaw na dating palabigay ay makikitang nag-iisip muna bago tumulong sa mga nagsisilapit sa iyo. Dahil magiging sigurista ka na ngayon, ito na rin ang magiging simula upang unti-unti ka ng yumaman. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 4,  16, 19,  22, 31, 45.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Ingatan mo ang mga natatanggap mong regalo at ang iba pang mga regalo na tatanggapin mo pa lang, dahil ang mga ito ang pampasuwerte mo at mas mabisa ito kaysa sa mga pinagbibibili mong mga lucky charms. Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero 9, 15, 23, 36, 39, 41.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Binuksna na ang bintana ng langit para sa iyo at ikaw ay isa sa mga napiling pagpalin sa araw na ito. Kaya wag kang mamroblema, dahil ang nasa itaas ang magkakaloob sa iyo ng mga biyayang kinakailangan mo sa lahat ng araw ng buhay mo. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 8,  19, 27, 32, 42, 45.   

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.