ARIES (Marso 21 – April 19) Mapupuno ng masasayang kaganapan ang buhay mo sa ngayon. Masayang-masaya, dahil dadalawin ka ng sunod-sunod na suwerte at magagandang kapalaran na ngayon mo lang mararanasan sa tanang buhay mo. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 19, 22, 34, 37, 41.
TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Ikaw ang taong masyadong maawain. Kaya madalas kang madaya ng iyong kapwa. Magkagayuman mamahalin ka ng langit kaya ang mga biyaya at pagpapala ay laging mapapasa iyo. At ang mga suwerte at magagandang kapalaran ay magdaratingan ng sunod-sunod at ng higit pa sa mga inaasahan mo. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero 6, 14, 23, 32, 43, 45.
GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Ito ang araw upang suklian mo ng pagmamahal ang kabutihan ng iyong karelasyon. Hindi sapat na mahal mo nga siya pero kulang na kulang ka naman sa pagbibigay sa kanya ng saya at ligaya. Dagdag na saya at ligaya ang ipagkaloob mo sa kanya, upang ang suwerte at magandang kapalaran ay patuloy na manahan sa inyong pamilya. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero 1, 10, 25, 36, 41, 43.
CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Napakabilis ng takbo ng panahon sa kasalukuyan baka mapag iwanan ka kung babagal-bagal ka. Bawasan ang pagaanalisa sa mga pangyayaring nararanasan mo, kilos ang pinakamahalaga. Kaya wala kang dapat gawin sa ngayon kundi ang kumilos na! Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 6, 12, 23, 27, 37, 45.
LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Darating ang maraming tulong na magmumula sa isang kaibigan. Wala siyang ibang motibo kundi ang alalayan ka. Alam niya na ang magkakaibigan ay dapat na nagtutulungan. Kaya naman mapapa isip ka, buti na lang at hindi mo inaway ang lahat ng mga kaibigan mo at may natira pang paisa-isa kahit na papaano. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 2, 8, 26, 33, 40, 42.
VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Mapalad ka kaysa sa pangkaraniwang mapapalad dahil ang mga hinihiling ng iba na magagandang kapalaran ay matatagpuan sa iyong buhay at sa mismong karanasan mo. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero 2, 11, 25, 28, 37, 43.
LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Walang silbi ang mga ulap kung hindi ito tatangayin ng hangin. Malilibot mo ang malalayong lugar kapag ikaw ay may inspirasyon sa iyong buhay at maaaring ka ring yumaman ng yumaman, at ang dapat mong maging inspirasyon ay ang iyong pangarap. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 3, 12, 27, 30, 32, 44.
SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Dahan-dahan ka sa pakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan. Tinatandaan nya ang iyong mga sinasabing hindi magaganda at ito ay ikukuwento nya sa iba. Gagawin nya ito ng palihim upang siraan ka. Wag kang kuwento ng kuwento sa mga kaibigan mong hindi naman totoong kaibigan, kundi ang tanging hangad ay ang siraan ka. Pero hindi sila makapananaig, dahil noon pa man, likas ka nang mas mapalad kaysa sa kanila. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 7, 14, 17, 26, 34, 42.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Lilipad ng mabilis ang magandang kapalaran sa langit, na animo’y isang spaceship na bagay. At sa kanyang paghinto at pagbagsak sa lupa, ikaw ang unang tatamaan ng suwerte, kung saan, ikaw ay biglang matatagpuang ubod ng suwete sa lahat ng bagay lalo na sa pag-ibig at sa materyal na bagay. Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 2, 16, 19, 27, 33, 43.
CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Ito ang araw na nagbabalitang ang magiging papel mo sa mundo ay ang ipaglaban ang panig ng mga inaapi at inaabuso. Sa ganyan ka magiging maligaya. Pero wag kang mag-alala, dahil habang tumutulong ka at nakikisimpatsa sa mga inaapi, marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 3, 18, 24, 26, 35, 43.
AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kakaiba at mahirap paniwalaan ang iyong kapalaran ngayon. Sa mga sandali na nahihiya ka at nananahimik tatawagin ka ng iyong tadhana at ilalagay sa kung saan ay hahangaan ka ng madla at magkakapera ka ng malaking halaga. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 9, 18, 19, 27, 33, 45.
PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Maging positibo nang sa gayon ay hindi manaig sa iyo ang lungkot. Huwag mong balik-balikan ang mga hindi magagandang karanasan. Dahil hindi mo ba napapansin nasa itaas ka na ngayon? Baka kababalik mo sa mga nakaraan ilagay ka uli ng kapalaran sa ibaba. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 5, 8, 19, 23, 37, 41.