31.6 C
Manila
Sunday, June 23, 2024

Online Horoscope Oktubre 7, 2023

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Kahit malayo na ang narating mo, huwag mong kalimutan ang mga taong nakatulong sa iyo. Ito ang payo ng iyong kapalaran na kailangan mong pakinggan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-23-39-40-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) – Kapag pinakita mo ang iyong katapangan, mawawala ang mga kinakatatukan mong pagsubok. Hindi mo na kailangan pang makipaglaban. Muli, ipakita mong matapang ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-11-16-20-23-37.

GEMINI (May 21-June 20) – Kahit nalilito ka, kumilos ka ayon sa una mong plano. Sa tuloy-tuloy na pagkilos, ang pag-aalinlangan ay nawawala na parang bula. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-6-10-28-29-34-36.

CANCER (June 21-July 22) – Kilalanin mong mabuti ang mga lumalapit sa iyo. Sa ganitong paraan, hindi ka maiisahan ng may pansariling motibo. Ito ang payo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-14-15-22-28-42.

LEO (July 23-Aug. 22) – Panatilihin mo ang komunikasyon kahit hindi naging maganda ang pangyayari sa iyong dalawa ng naging bahagi ng iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-22-23-31-36-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Itaas mo ang antas ng pamamahala sa nasasakupan. Sa ganitong paraan, ang lahat ay lalong sisigla at ang gawain ay magiging mabunga. Ito ang utos ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-18-24-25-35-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Bawat kilos ay lagyan mo ng saya. Saya ang totoong magsisilbing pampasuwerte mo at ito ay magpapatuloy habang ikaw ay nabubuhay. Muli, lagyan mo ng saya ang pagkilos. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-11-17-21-29-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Kung ang ayaw sa iyo, dapat ayaw mo rin sa kanya. Kung magpipilit ka, ikaw ay gugustuhin, ngunit pilit lang din at hindi makatotohanan. Ito ang iyong isaisip. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-18-20-26-31-32.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Hindi puwedeng maapektuhan ang desisyon mo ng kung sino-sino lang. Pero puwede kang humingi ng payo sa mas nakakataas sa iyo. Ito ang payo ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay- beige. Tips sa lotto-15-21-23-27-35-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Patuloy kang kukulitin dahil ang nangungulit sa iyo ay hindi maniniwala sa mga sinasabi mo. Mas pinahahalagahan niya ang mga ikinikilos mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-25-31-38-40-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Tumitindi ang kulay ng mga pangyayari sa iyong harapan. Sa magkahalong kaba at sigla, lalong kumikinang ang iyong galing at husay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-23-31-32-39-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Aatras nang kusa ang mga kalaban mo. Hindi dahil sa malakas ka kundi dahil napansin nilang pumapangit ang kanilang kapalaran habang sila ay nakikipaglaban sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-13-18-21-28-42.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.