29.8 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Online Horoscope Oktubre 5, 2023

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Huwag mong dayain ang iyong sarili. Kung ano lang ang nahahawakan ng iyong mga kamay, ‘yun lang ang iyong bilangin. Ang wala pa ay wala pa. Sana, ito ay malinaw sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-10-20-24-30-31.

TAURUS (Apr. 20-May 20) – Huwag kang maniwala agad sa mga maririnig mong magagandang bagay dahil ang lahat ng mandaraya ay talagang magaganda ang sinasabi. Mag-ingat ka sa kanila. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-19-21-27-34-37.

GEMINI (May 21-June 20) – Hindi ka mahihirapan na pasunurin ang kahit na sino dahil kakaiba ang saya na iyong ipakikita ngayon, kung saan ang epekto ay susunod sa iyo ang mga nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-22-24-28-39-40.

CANCER (June 21-July 22) – Hindi mo maiiwasang mag-isip na ikaw ay lumayo muna, pero hindi mo pa magagawa ngayon dahil ang totoo, hindi mo pa naman talaga kaya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-17-25-27-34-41.

LEO (July 23-Aug. 22) – Hindi ka pa makagalaw dahil sa dami ng magagandang bagay na puwede mong pagpilian. Kung hindi mo magagawang pumili, sundin mo ang sasabihin ng mahal mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-8-12-23-38-40-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Marami kang maririnig na imbentong kuwento laban sa malalapit sa iyo. Huwag mo nang palakihin pa, kung saan gugulo lang ang sitwasyon. Bagkus, sarilihin mo ang lahat ng mga ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-20-22-27-38-40.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Bigyan mo ng laya ang iyong sarili. Walang sinuman na puwedeng magbigay sa iyo ng kalayaan. Kapag nagpasya ka na gusto mo nang lumaya, gawin mo agad.

Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-16-25-27-33-37.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Ito ang araw na magugulat ka dahil akala mo ay magpapatuloy pa rin ang hindi magagandang nararanasan mo. Simula ngayon ay gaganda nang gaganda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-21-23-28-38-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Tapusin mo ang dapat mong tapusin bago ka magsimula sa iba pang gawain. Sa ganitong paraan, hindi ka matutulad sa natambakan ng trabaho at hindi na makausad-usad pa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-26-27-33-35-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Hindi maganda para sa iyo ang magpalit ng plano at mag-iba ng isip dahil papangit ang mga pangyayari sa halip na bumuti. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-17-25-28-30-31.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Sundin mo ang payo ng iyong kapalaran ngayon na nagsasabing, kahit sa loob at labas ng bahay o kahit saan, isuot mo ang iyong paboritong damit. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-22-27-29-30-35.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Nakakagulat ang iyong kapalaran dahil ito ay nagsasabing, hawak mo ang iyong kapalaran, gayundin ang kapalaran ng mga kontrabida sa buhay mo. Ito ang magandang balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-25-30-31-35-42.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.