31.7 C
Manila
Wednesday, June 12, 2024

Online Horoscope Oktubre 27, 2023

ARIES Isang bagay ay maghahatid sa iyo upang mas maging malapit sa taong espesyal. Ito ang pagkakataon na magbahagi ng mga exciting na usapan sa isa’t isa. At kung sa tingin mo ay pareho kayo ng damdamin, ito ang pagkakataon upang ito ay mas palaguin. Masuwerteng numero: 31 & 37

TAURUS Isang mahalaga pasya ang iyong bibitawan ngayon na may kinalaman sa iyong mahal. May ilang mga problema sa pagitan ninyo na nais mong takasan at gusto mo itong solusyunan mag-isa. Ngunit hindi pa dapat mas nauuna mo siya higit na kailangan? Masuwerteng numero: 28 & 39

GEMINI Maging handa sa isang romantikong usapin sa isang taong itinatangi ng iyong puso. Huwag hayaan na itago ang iyong tunay na damdamin para sa taong ito; ipakita mo sa kanya ang iyong tunay na nararamdaman. Masuwerteng numero: 22 & 45

CANCER Tila makakaramdam ka ngayon ng kawalan ng tiwala sa iyong kapareha. Ang ilang mga pag-aalinlangan ay magsisimula tila lagi siyang ngayon gabi kung umuwi at hindi maalis-alis ang telepono sa kanyang mga kamay. Kaya naman lihim mo itong aalamin. Masuwerteng numero: 12 & 21

LEO Kahit na anuman ang gawin mong iwas, hindi ka na makakatanggi pa sa isang paanyaya sayo ng taong lihim mong minahal. Gusto mo man siyang iwasan dahil ayaw mong umasa at masaktan, ay pinapahamak ka naman ng iyong puso. Ngunit sa kabila nito, hindi mo maitatanggi sa iyong sarili ang lubos na kilig at tuwa. Masuwerteng numero: 36 & 40

VIRGO Kahit na alam mo sa iyong isip at puso na ikaw ang tama, mas makabubuti ang hawakan mo muna sa iyong sarili ang mga nais mong sabihin. Saka na lamang ito isiwalat kung nakikita mong ito ay maiintindihan na niya at labis niya itong mauunawaan. Sa ganitong paraan, mas magagawa mong palalimin pa ng higit ang inyong mga damdamin. Masuwerteng numero: 15 & 30

LIBRA Isang event ang maaaring dadaluhan, ngunit hindi mo ito masasabi sa iyong kapareha na magiging dahilan ng hindi pagkakaunawaan. Kaya naman todo paliwanag ka sa kanya ng iyong dahilan kung bakit mo ito inilihim. Masuwerteng numero: 25 & 35

SCORPIO Isang masinsinang usapang magaganap ngayon sa pagitan ninyong magkarelasyon tungkol sa ilang bagay na gumugulo sa iyong isipan. Kailangan mong masabi ng maayos sa kanya ang iyong mga hinaing upang lubos niya itong mauunawaan. Masuwerteng numero: 18 & 24

SAGITTARIUS Ang iyong pasensiya ay tuluyan nang masasaid ngayon. Ilang beses mo na siyang binigyan ng pagkakataon na magbago, ngunit tila malabo pa itong mangyari sa ngayon, kaya naman buo na ang iyong pasya na pulutin ang iyong ugnayan sa kanya. Masakit man ngunit alam mo sa iyong sarili na ito ang tama. Masuwerteng numero: 11 & 13

CAPRICORN Torn between two lovers. Ngayon, labis kang maguguluhan kung sino sa dalawa mong napupusuan ang mas bigyang halaga. Pareho mo silang minahal at mahalaga silang pareho sayo. Ngunit alam mo din na dapat ay isa lamang sa kanila ang dapat mas bigyang halaga at tuluyang palayain ang isa. Masuwerteng numero: 49 & 50

AQUARIUS Ang pagkakataong ito ay nagbibigay daan upang makausap ang isang taong matagal nang gustong makausap. Ngunit huwag magmadali na magtanong ng mga bagay na nais mong malaman. Kung talagang may damdamin ka para sa kanya, isipin mo din ang kanyang damdamin. Masuwerteng numero: 15 & 19

PISCES Nais mo ang makipag-usap sa iba, ngunit ang araw na ito, isang karaniwang usapan ay magiging kamangha-mangha. Ito din ay maaaring maghatid ng mas pagiging tapat ninyo sa isa’t isa. Makikita mo ang iyong sarili na nakatuon sa iyong tunay na damdamin para sa taong mahal. Masuwerteng numero: 27 & 22

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.