27.3 C
Manila
Sunday, June 16, 2024

Online Horoscope Oktubre 26, 2023

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Daig ng maagap ang tamad. Ito ngayon ang itanim mo sa iyong isip nang sa gayun ay hindi ka maunahan ng ibang tao. Sa halip, mas mauunang mangyari ang kagustuhan mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-20-23-26-34-37.

TAURUS (Apr. 20-May 20) – Hindi puwede na masingitan ka ng kahit kaunting pag-aalinlangan. Sa lahat ng panahon, ang pag-aalinlangan ay hindi napapakinabangan. Gayundin, ang nag-aalinlangan ay nagsisisi sa huli. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-5-18-20-21-23-38.

GEMINI (May 21-June 20) – Iyong-iyo ang araw na ito. Ang sinumang magtangka na bigyan ka ng kalungkutan at ang mangahas na bigyan ka ng kabiguan ay makakasagupa ng langit. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-9-16-21-25-29-30.

CANCER (June 21-July 22) – Mag-ingat ka sa mga walang tigil sa pagkukuwento dahil madalas, ang kanilang motibo ay maisahan ang nakikinig sa kanila. Muli, mag-ingat ka sa mga taong maraming kuwento. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-22-25-28-37-31.

LEO (July 23-Aug. 22) – Hindi mo mapipigilan kahit ayaw mo na tulungan ang madalas na nandadaya sa iyo. Dahil alam mong kahit paano ay may saya ka sa kanya kapag kayo ay nagkakasama, muli, hindi mo mapipigilan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-16-23-35-41-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Inalis ng langit ang mga hadlang para makuha mo ang pinakagusto mo sa buhay. Magpasalamat ka sa itaas dahil mula ngayon, isa-isang ipagkakaloob ang lahat ng iyong kahilingan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-12-20-25-26-35-37.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Kikilos ka na parang walang problema. Ang nakakamangha at nakakagulat, magkakatotoo ito, gayundin, maging ang mga problema ng nasa paligid mo ay biglang mawawala. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-12-24-27-30-33.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Darating ang hinihintay mo, gayundin ang mga hindi mo inaasahang darating. Sila ay magpapasaya sa buhay mo, at ito ay mangyayari nang kusa bilang patunay na ang langit ay tunay na nagmamahal sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-20-21-28-29-36.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Madadama mo na ikaw ay espesyal sa mga mata ng langit dahil ang kahilingan ng iba ay mahirap makuha. Pero ang mga hiling mo, kasing bilis ng bulalakaw ay nasa iyo na. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-3-12-29-35-37-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Kumuha ka ng lakas ng loob sa tao na iyong pinagkakatiwalaan, pero kumuha ka rin ng tapang sa karibal mo na sobrang mapagpilit. Sa ganitong paraan, hindi ka matatalo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-23-24-37-40-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Muling kakaiba ang galaw ng iyong katawan na umaakit, hindi lang sa tao kundi sa mga suwerteng nasa iyong paligid at ang suwerte ng iba na nasa kanila na ay mapupunta pa rin sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-7-11-16-20-23-35.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Kung babagal-bagal ka, mauunahan ka ng iba. Ito ay batas ng kapalaran na nagsisilbing babala para sa iyo. Kaya gumamit ka ng bilis at sigla nang ikaw ang manalo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-2-15-25-27-39-40.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.