28.6 C
Manila
Thursday, June 20, 2024

Online Horoscope Oktubre 12, 2023

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ito ay natatanging araw para sa’yo. Pagpapalain ka ng kapalaran ngayong araw na ito, dahil pararaanin ka ng mga tao sa paligid mo. Gaya ng sasakyang nagmamadali, bibigyan ka ng sariling daan. Walang hahadlang sa anumang gusto mong mangyari at gusto mong gawin sa buhay mo. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

TAURUS (April 20 – Mayo 20) Maging maagap sa iyo ang langit. Ibig sabihin, ang nararamdaman mong medyo pangit na maaaring maganap ay igagawa ng paraan ng nasa itaas upang hindi mangyari. Kaya sobrang palad mo, dahil ang isa pang mabuting balita, ang inaakala mong pangit na pangyayari ay mapapalitan ng magandang pangyayaring magdadala sa iyo ng kakaibang suwerte, nang magandang kapalaran at ng labis na kaligayahan. Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Pagkilos ang kailangan mo ngayon at bawal ang sobrang pag-aanalisa at pamimintas sa mga bagay na nakikita ng iyong mga mata. Mas mabuti kung tatapusin mo na ng mabilis ang mga proyektong nakabinbin, upang tuloy-tuloy ka ng suwertehin.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Namumuo muna ang makapal na ulap bago bumuhos ang ulan. Kaya sa ngayon huwag kang masiraan ng loob at mawalan ng pag-asa, ang totoo kumukuha lang ng buelo ang mga dambuhalang suwerte mo na paparating na.  Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Tapos na ang iyong paghihintay. Masyadong matagal ang iyong pagtitiis. Kaya ang langit na mismo ang gagawa ng paraan upang magkaroon ng pagbabago sa buhay mo. Isang pagbabago na ikalulugod ng iyong puso at ikauunlad ng iyong kaluluwa. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.   

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ito ang araw na magpapatuloy ang pagiging malaya mo gaya ng ibon na lumilipad sa kalangitan. Ito rin ay nagbabalitang kung saan ka liligaya, doon ka dadalihin ng iyong kapalaran. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Yayaman ka sa pamamagitan ng pagnenegosyo. Kaya magnegosyo ka dahil tiyak din naman na ang gusto mo ay ikaw ay yumaman. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Ito ang araw na kailangang mahalin mo ang lahat ng mga taong nakapaligid sa iyo at hindi mo sila dapat na awayin at pagsungitan. Kapag nagawa mo ‘yan, ang suwerte at magandang kapalaran ay isa-isa ng magdaratingan sa iyong harapan. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Lalakas ngayon ang loob mo kaya ang mga naipong sama ng loob ay ibubulalas mo. Magkagayunman, panatiliin mo ang pagsasalita ng marahan ng hindi pabigla-bigla na parang galit na galit ka. Sa ganyang paraan, mahinahon ka lang, hindi ka iwan ng suwerte at nang magandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) Umuusok ang kuwento tungkol sa iyong kaunlaran. Ituloy mo pa ng ituloy ang iyong mga pagsisikap, nanonood ang nasa itaas, kaya umasa kang lalo ka pang payayamanin ng langit. Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) Humugot ka ng tapang sa iyong pinakamalalim na kalooban. Kaya lang naman naduduwag ka ay dahil ikaw na mismo ay nabaon sa mga negatibong pananaw sa sarili, talikdan mong lahat ito ngayon at magsimula ka ng bago. Kapag nagawa mo yan ang magandang kapalaran at ang malalaking suwerte ay kusa ng darating sa ‘yo. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Pamumulaklak. Ito ang isa pang pangalan ng araw na ito para sa ‘yo. Ibig sabihin ang mga hirap na iyong ipinuhunan sa nagdaang panahon ay tuloy-tuloy ng mamumunga ng mga suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.