28.6 C
Manila
Wednesday, December 6, 2023

Online Horoscope Oktubre 1 2023

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Bawasan mo muna ang matinding hangarin mo na mabilis kang yumaman. Bigyang-daan mo muna ang iyong personal na kaligayahan. Ito ang susi para mabalanse ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-20-24-39-40-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) – Natutuwa ang langit sa taong mapagbigay na tulad mo. Ang tuwa ng langit ay madarama sa pagdating ng sunud-sunod na mga suwerte sa iyong buhay sa darating na mga araw. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-24-25-39-40-41.

GEMINI (May 21-June 20) – Namamahinga rin ang mga ibon habang lumilipad sa kalangitan. Ibig sabihin, kahit angat ka ngayon, puwede ka ring huminto dahil kahit nakahinto ka, hindi ka pa rin babagsak. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-12-15-27-32-35-38.

CANCER (June 21-July 22) – Madalas mong mapatunayan na mas pinagpapala ng langit ang matiisin at nagsasakripisyo. Muli mong isabuhay ang pagiging matiisin dahil ito ang magdadagdag sa iyo ng mas maraming suwerte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-17-22-29-30-31.

LEO (July 23-Aug. 22) – Minsan mahirap maintindihan ang buhay sa mundo dahil tulad mo, nakukuha mo pang ngumiti kahit naaargabaydo ka. Habang ikaw ay nagpapaubaya, patuloy ang pagdating ng suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-19-21-28-33-35.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Isabuhay mo sa araw na ito ang pagpapakita ng pagmamahal sa hindi mo tunay na kilala. Bigyan mo sila ng kahit munting kasiyahan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-13-20-21-26-27-36.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Madali kang magbigay ngayon. Ngunit para makaiwas ka sa hindi magandang epekto ng sobrang mapagbigay, ang payo ay nagsasabing, magtakda ka ng halaga na puwede mong ibahagi. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-21-25-28-30-34.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Alamin mo ang kakayahan ng isang dikit nang dikit sa iyo. Maaaring iba ang kanyang sinasabi kaysa sa tunay niyang halaga. Sa ganitong paraan, hindi ka magsisisi. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-29-30-33-38-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Huwag kang maniwala agad sa mga akala mo ay nakakaawa. Ito ang araw na maglalabasan ang mga mandaraya na kapag nakadaya ay pinagtatawanan ang nabiktima. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-20-24-26-38-39-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Kung gusto mong mabilis na umasenso, makipagsapalaran ka. Huwag kang mag-alala dahil ang langit ay magbabantay sa iyong gagawing pakikipagsapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-15-16-25-27.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Makinig ka sa masasayang musika. Ito ang magsisilbing mabisa mong pampasuwerte at mas malakas ang epekto nito kaysa sa mamahaling kasuotan na binili mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-20-22-24-25-34.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Isabuhay mo ngayon ang susi ng tagumpay na nagsasabing dagdagan mo ang iyong hakbang na mas marami kaysa sa mga karibal mo. Sa bandang huli, sila ay iyong maiiwanan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-25-27-28-38-39.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles